Keempee de Leon and Manilyn Reynes together again



Isa sa pinakasikat na tambalan sa That's Entertainment noong late ‘80s ang love team nina Manilyn Reynes at Keempee de Leon. Ngayon, pagkatapos ng mahabang panahon ay ibinabalik ng Regal Entertainment ang love team ng dalawa via the "LRT" episode of Shake, Rattle and Roll 8, entry sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2006.

Sabay na dumating sina Manilyn at Keempee sa launching ng MMFF official entries last November 13 sa Aliw Theater VIP lounge. Natawa na lang sila nang bigyan ng malisya ng ibang naroroon ang sabay nilang pagpasok sa venue.

"Nagkataon lang na sabay kaming dumating," natatawang sabi ni Manilyn. "Kayo talaga, hindi n'yo pa rin kami makalimutan ha! Tapos na ‘yon at pareho na kaming happy sa personal naming buhay. Natutuwa lang kami at pinagtambal kami sa pelikula na never pang nangyari sa amin before. Kaya first time ko to really work with Keempee sa isang movie."

Sa parte naman ni Keempee ay hindi siya maubusan ng papuri sa kanyang leading lady at ex-girlfriend. Hanggang ngayon daw ay napakabait pa rin nito at maasikasong ina sa mga anak niya.

"Ang suwerte nga ni Aljon [Jimenez, mister ni Manilyn] at siya ang naging mister ni Mane [palayaw ni Manilyn]," sabi ni Keempee. "Malas ko naman kasi napakawalan ko siya!" malakas na tawa ni Keempee. "Kami naman ni Mane, naging good friends kami kahit na natapos yung relasyon namin. We had good memories kaya masaya ako na masaya si Mane sa buhay niya ngayon. Pareho kaming may mga anak na kaya we can always look back and smile."

Bukod sa Shake, Rattle and Roll 8, napapanood din sina Manilyn at Keempee sa kani-kanilang programa sa telebisyon. Si Manilyn ay mainstay sa GMA-7 primetime drama series na Bakekang at host rin siya sa QTV-11 show na Moms. Si Keempee naman ay regular na napapanood sa GMA-7 shows na Eat Bulaga! at Bahay Mo Ba ‘To?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN