Matt Evans nahanap na ang biological father niya



There's life after Pinoy Big Brother Teen Edition para kay Matt Evans. Kilalang-kilala na kasi siya ngayon bilang Pedro Penduko na siya ring title ng hit action-adventure series na Komiks ng ABS-CBN.

Ayon kay Matt, marami na raw magagandang nangyari sa kanyang buhay pagkatapos niyang lumabas sa bahay ni Kuya.

"Bukod sa nag-gain na ako ng 10 lbs., nakabili na po ako ng second hand na Toyota Corolla at naipa-renovate ko na rin ang bahay namin sa Project 4," kuwento ni Matt sa November 15 press con ng Love Spell—ang bago niyang show sa ABS-CBN kung saan makakasama niya sina Ai-Ai delas Alas, Vhong Navarro at ilang housemates niya sa PBB Teen Edition—na ginanap sa 9501 Restaurant sa ELJ building ng ABS-CBN.

Ayon pa sa kanya: "Gusto ko ring ipa-renovate yung bahay namin sa Antipolo City para doon na mag-stay ang mother at father ko. Kasi hindi rin masyadong malaki ang bahay namin sa Project 4."

Ang father na tinutukoy niya ay ang kanyang stepfather na nakagisnan na niya sa paglaki niya. Now that he's already 18, patuloy pa rin ang paghahanap niya sa kanyang biological father, isang Amerikano, na na-trace na raw niya through the Internet.

"Talmage Evans ang pangalan ng real father ko na isang pure American at member ng US Air Force," pahayag ni Matt. "Nag-try ako [na] tawagan siya sa telepono, pero answering machine ang sumasagot. Siguro nasa duty siya. Gustung-gusto ko siyang makita dahil kamukha ko raw siya—maliban sa eyes ko na nakuha ko sa mommy ko. Nire-recognize naman daw niya ako as his son dahil ako ang first child niya. Wala lang siya nang ipanganak ako. Pero ang lola [mother ng biological father niya] ko raw, nagpadala pa ng mga gamit ko noong ipinanganak ako. Kasi only son din daw niya ang father ko. Rebecca po ang name ng lola ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Samantala, natutuwa naman si Matt dahil sa magandang rating na nakukuha ng pinagbibidahan niyang Pedro Penduko. Kahit wala na siya halos pahinga ngayon ay sulit naman daw lahat ng pagod niya dahil gusto niyang makaipon.

"Sabi nila, baka ma-extend pa hanggang 30 weeks [yung Pedro Penduko]. Sa ngayon, week 14 pa lang ang natatapos naming i-taping. Halos wala na akong tulog ngayon pero hindi po ako nagrereklamo kasi gusto ko pong makaipon. Gusto ko rin kasing magkaroon kami ng piggery sa Antipolo. Then, gusto ko ring makaipon pa para makapagpatayo na ako ng bagong bahay namin."

High school graduate na si Matt at hopefully raw, makapagpatuloy na siya ng pag-aaral. Gusto niyang kumuha ng Computer Science or Computer Graphics sa kolehiyo.

Hindi rin niya ikinaila na five months na silang mag-on ng housemate niya sa PBB Teen Edition na si Olyn Meimban. Ito rin daw ang dahilan kung kaya't walang katotohanan ang balitang nililigawan niya si Niña Jose, isa pang housemate nila sa PBB at kasama niya sa Pedro Penduko.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN