Sanction baka ipataw sa mga nag-back-out na film producers sa MMFF



Pinag-iisipan daw ng members of the Executive Committee ng 2006 Metro Manila Film Festival (MMFF) na patawan ng sanction ang mga film producers na magba-back out sa taunang festival.

Ayon kay Mr. Ruperto Nicdao, pangulo ng Manila Broadcasting System at isa sa miyembro ng MMFF Execom, may nagmungkahi raw na bigyan ng sanction ang mga producers na magpu-pull out ng kanilang entries matapos ipahayag ng Star Cinema na hindi na nila itutuloy ang Tanging Pamilya na dapat ay pagbibidahan ni Vhong Navarro.

Muling naungkat ang mungkahi nang mag-back out ang OctoArts Films para sa entry nilang Short Time. Sa isang hiwalay na interview, sinabi ni Orly Ilacad, producer ng Virgin Films, na kukulangin sila ng oras para tapusin ang naturang pelikula kung kaya't hindi na nila itinuloy ang pagsali sa MMFF.

Pero ayon kay Mr. Nicdao, hindi pa naman daw final ang desisyon sa pagbibigay ng sanction kundi isang mungkahi pa lamang. Nakatakda raw itong pag-usapan sa meeting ng Execom dahil ang tingin daw nila ay parang pinaglalaruan sila ng producers na magsusumite ng entries tapos bigla itong ipu-pull out.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN