Donna Cruz maselan ang pagbubuntis



Pinaalalahanan ng kanyang doktor si Donna Cruz na mag-ingat dahil medyo maselan ang kanyang pagbubuntis.

Sa phone interview ng Philippine Entertainment Portal (PEP) sa dating singer-actress noong November 13, ibinalita ni Donna na pinayuhan siya ng kanyang doktor na magkaroon siya ng complete bed rest matapos niyang makaranas ng spotting.

"Mas mahirap nga ang pagbubuntis ko ngayon sa third baby ko kumpara nung ipinagbuntis ko sina Belle at Sean," pahayag ni Donna na kasalukuyang nasa Cebu.

Kaya raw ngayon ay hindi siya masyadong nagkikilos, bilang pagsunod na rin sa bilin ng kanyang doktor.

Nang tanungin kung ano ang kanyang pinaglilihian, sabi ni Donna na gustung-gusto raw niyang tignan ang ilong ng bunso niyang si Sean. Maganda raw kasi ang shape ng ilong nito at gustung-gusto niya itong hinihipo.

Ibinalita rin ni Donna na baka raw bago mag-Pasko ay makalipat na silang mag-anak—husband Yong Larrazabal and their children Belle and Cian—sa kanilang bagong bahay sa Cebu na mahigit two years in the making na. Malaki raw ang lilipatan nilang bahay na may swimming pool at malaking garden.

Hindi raw siya mahihirapan na magpapayat after giving birth in May 2007 dahil malaki raw ang garden kaya maglakad-lakad lang siya roon as a form of exercise.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN