P4 million nagastos sa bagong album ni Basil Valdez



Umabot daw ng P4 million ang nagastos ng Viva Records sa bagong album ni Basil Valdez entitled Filipino Classics na inilunsad noong November 15 sa Shangri-La Mall.

Ang San Miguel Philharmonic Orchestra ang tumugtog sa mini-concert na ginawa ni Basil na mahigit 30 years na ang collaboration kay Vic del Rosario—ang may-ari ng Viva Records. Vicor Records days pa lang ni Basil ay nagtrabaho na siya sa kompanya ni Boss Vic.

First collaboration din ito nina Basil at Ryan Cayabyab, na siyang conductor at musical arranger ng timeless classics na kasama sa album.

Mahal ang pagkabili ng Viva sa mga awiting nakapaloob sa album tulad ng "Bituing Marikit," ang kundiman na gawa ni Nicanor Abelardo at pinasikat ni Atang dela Rama. Isinulat ito para sa isang zarzuela na may pamagat na "Dakilang Punglo" at ginamit na theme song sa dalawang pelikula.

Kasama rin sa album ang "Bayan Ko" nina Constancio de Guzman at Jose Corazon de Jesus, mga kundiman tulad ng "Madaling Araw," at movie theme songs tulad ng "Sapagkat Kami Ay Tao Lamang" at "Dahil Sa Isang Bulaklak."

Tampok din sa album ang "Diyos Lamang ang Nakakaalam," "Babalik Ka Rin," "Kung Nagsasayaw Kita," "Sa Ugoy ng Duyan," "Bakas ng Lumipas," "Lagi Kitang Naaalala," at "Mahiwaga."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN