Aiza Marquez may sama ng loob sa dating boyfriend



Matindi pa rin ang sama ng loob ng young actress na si Aiza Marquez sa ex-boyfriend niyang si Gian Magdangal—isa sa five finalists sa ongoing Philippine Idol ng ABC-5.

"I was betrayed," paulit-ulit na sabi ni Aiza sa interview sa kanya ng Philippine Entertainment Portal (PEP) noong Martes, November 14, sa hallway ng ABS-CBN. "May mga bagay na ‘di niya [Gian] inamin sa akin. Ang masakit, sa iba ko pa nalaman ang ginawa niya. Lalo akong nasaktan dahil nalaman ko ito pagkatapos naming mag-break."

Kung noon daw ay medyo nagsisisi ang young actress kung bakit siya nakipaghiwalay kay Gian, ngayon ay nakangiti itong nagsabing hindi siya nagkamali sa naging desisyon niya.

Nilinaw ni Aiza na walang third party sa break-up nila ni Gian. Naging maganda raw ang paghihiwalay nila dahil very civil sila sa isa't isa. Sa katunayan nga raw ay nag-dinner pa sila sa isang restaurant. Pagkahatid daw ni Gian kay Aiza sa bahay ng huli ay doon sila nag-usap at nagkasundo na tapusin na ang kanilang relasyon.

Pero may nalaman daw si Aiza na ginawa ni Gian pagkatapos nilang magdesisyong maghiwalay na ikinasama niya ng loob.

"To make it short, muntik na niyang halikan ‘yung friend namin na itinuturing niyang best friend," kuwento ni Aiza. "Nangyari ‘yon before our break-up, pero nalaman ko after the break-up na. So parang betrayal ‘yon e!"

Patuloy pa niya: "Parang pinapalabas pa niya sa akin ngayon, wala siyang ginawa dahil ang sweet-sweet pa rin niya sa akin, nagti-text at tumatawag. Parang ipinapakita niya na walang nangyari na ganu'n. Pero I don't think na biruan ‘yon kasi ‘yung girl mismo ang nagsabi sa akin. Mas masakit ang betrayal e."

Sa kabila raw ng sama ng loob sa kanyang ex-boyfriend, magiging masaya pa rin daw si Aiza kung mananalo sa Philippine Idol si Gian na kabilang sa natitirang limang contestants ng nasabing singing search.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kung susuporta man ako sa kanya, hindi na tulad ng dati na talagang nagti-text pa ako. Ipagdadasal ko na lang ang success niya para matupad niya ang pangarap niya."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN