Richard and Lucy gusto nang sundan si Juliana



Kapwa gusto na ng mag-asawang Richard Gomez at Lucy Torres sundan ang kanilang anak na si Juliana.

"I think si Juliana, nag-e-enjoy siya na mag-isa muna siya," sabi ni Goma (palayaw ng aktor) sa press launch ng bagong Bench scents na Love and Conquer noong November 16 sa Music Hall ng SM Mall of Asia. "Bini-bring up namin ang idea kung gusto na ba niyang [Juliana] magkaroon ng kapatid, pero parang ayaw muna niya. But Lucy and I think na dapat masundan na si Juliana kasi six years old na siya.

"Hopefully, masundan na siya soon. Gusto ko lalaki naman kasi girl na si Juliana e. Hayaan n'yo, ma-delay lang ng one day si Lucy, sasabihin ko agad sa inyo!" natatawang sabi ni Goma sa Philippine Entertainment Portal (PEP).

Dagdag ng aktor: "We were hoping that this year Lucy would get pregnant pero malapit na yung December, and it took us a year already. If not, we'll try it again next year."

Nang tanungin si Goma ng PEP kung may napili na silang pangalan para sa kanilang pinaplanong anak, ang sabi niya: "Actually, wala pa. We're just toying [around] the names of Manuel Antonio."

Tulad ni Goma ay excited na rin si Lucy na sundan ang kanilang unica hija.

"Every month nga, feeling ko, buntis ako e!" tawa ni Lucy. "Ganu'n ako ka-ready na mabuntis ulit.

"Ma-delay lang ako ng one day, ‘Buntis na ako! Eto na ‘yon! Eto na ‘yon!' Pero hindi pa pala. So, maghihintay ulit ako," sabi ni Lucy doon pa rin sa Love & Conquer launch.

Ayon kay Lucy ay hindi dahil sa pareho silang busy ni Richard kaya hindi masundan-sundan si Juliana.

"No, not because of work," aniya. "If you remember, it really took me a long time—almost two years—before I actually got pregnant..."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kinumpirma rin Lucy ang naunang pahayag ni Goma na ayaw pa ni Juliana na magkaroon ng kapatid.

"Lahat naman siguro ng panganay ganu'n, di ba?" sabi ni Lucy. "Feeling nila, mawawalan sila ng trono. So, ayaw niya kunwari. But I'm sure, pag meron na, she likes it na."

Kung si Lucy ang tatanungin ay ayaw niyang pumasok sa showbiz si Juliana katulad nilang mag-asawa.

"Sana talaga huwag," ani Lucy. "Sobrang mahiyain siya e. I can't imagine her na [pumasok sa] showbiz. Ewan ko kung magbabago ‘yon in the future."

Patuloy niya: "But pag kami-kami lang, performer siya. Kumakanta siya, sumasayaw. Maganda ang boses niya, hindi naman siya sintunado. Pero pag may ibang tao, tumitiklop siya. Mahiyain siya talaga."

Kailangan pa raw i-bribe ni Lucy si Juliana para pumayag itong magpa-pictorial o lumabas sa TV. Pero minsan daw ay hinihiritan si Juliana ng mga kaibigan na gusto nilang lumabas sa TV o sa commercials, na akala nila ay ganu'n lang ka-simple dahil napapanood ang parents ni Juliana na lumalabas sa TV.

(With a report from Nerisa Almo)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN