Miriam Quiambao denies rumor linking her with Ogie Alcasid



Mariing pinabulaanan ng 1999 Miss Universe 1st runner-up na si Miriam Quiambao ang kumakalat na balita na nililigawan daw siya ng singer-composer na si Ogie Alcasid.

Nagtataka nga raw siya kung saan nanggaling ang balitang ito.

"Nagkita lang kami ni Ogie sa Cebu. Nagkataon na we were both there for an event. He invited me to his concert that night. So, pumunta ako. Tapos the next day, may nasulat nang item sa amin," kuwento ni Miriam sa panayam sa kanya ng Philippine Entertainment Portal (PEP) sa press con ng Dahil Sa Iyong Paglisan noong November 18 sa Virgin Café.

"I find it weird kasi nang-imbita lang ‘yung tao na manood ng show niya," patuloy niya. "We're not even dating each other. Kaya natawa na lang ako sa news na ‘yan."

Miriam just separated from her husband, Italian businessman Claudio Rondinelli. Ikinasal sila noong January 10, 2004 sa Boracay. Their marriage lasted for two and a half years.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN