Angelica Panganiban enjoys her independence



For four months now, sa isang condominium unit sa Eastwood in Libis, Quezon City nakatira ang young actress na si Angelica Panganiban kasama ang isang maid. (Ang nasabing condominium ay two buildings away lang sa kanyang co-ABS-CBN talent na si Bea Alonzo.)

Kinumpirma mismo ni Angelica na bago siya payagan ng kanyang inang si Annabell Panganiban na lisanin ang kanilang tirahan sa isang subdivision sa Commonwealth, Quezon City ay nagkaroon muna sila ng diskusyon na umabot pa raw sa iyakan.

"Hindi naman maiiwasan ‘yon pero pumayag na rin siya para raw matuto na akong mamuhay na mag-isa, lalo pa kung maipatayo ko na ang dream house ko," kuwento ng young actress sa press con ng Pitong Dalagita noong November 21 sa Wok ‘N Stix restaurant sa Tomas Morato, Quezon City. Twenty years old na ako saka enjoy na mahirap ang mag-solo."

Dahil solo na nga siya ngayon, sinabi ni Angelica na natututo na siyang mag-budget ngayon at "magkuripot."

"Mahirap pong mag-budget," natatawang dagdag niya. "Ang budget ko kasi is from P 80,000 to P100,000—kasama na lahat doon, including my P30,000 rent sa unit."

"Nag-aaral na rin akong magluto. Marunong na akong magluto ng adobong manok at halabos na hipon. May rice cooker ako, pero minsan pumapalpak pa rin. Ang lola ko po kasi ang nagluluto sa amin."

Kuwento pa niya: "Kung minsan, may gabi na galing ako sa trabaho, gusto ko mang itulog na lang dahil sa pagod, kailangan ko munang iligpit ang mga ginamit ko sa taping or shows, at ihahanda ko naman ang gagamitin ko kinabukasan. Dati kasi, si Mommy lahat ang gumagawa nun. May gabi rin na hindi ako makatulog agad kaya tinatawagan ko si Mommy at nag-uusap kami, hanggang sa antukin na ako."

Two years old lang pala si Angelica nang maghiwalay ang parents niya, pero ayon sa young actress ay hindi siya naghanap ng father figure dahil napunuan iyon ng kanyang lolo at ng mommy niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN