Pops Fernandez payag maging 'ninang' ni Santino



Kasabay ng solo press con ng Concert Queen na si Pops Fernandez kaugnay ng pelikulang Zsa Zsa Zaturnnah, na official entry sa Metro Manila Film Festival 2006, noong November 21 sa penthouse ng Imperial Palace Suites ay dumating naman ang kanyang ex-husband na si Martin Nievera from Las Vegas.

Sa nasabing press con ay tungkol pa rin sa anak ni Martin at ng girlfriend nitong si Katrina Ojeda na si Santino—na isinilang noong October 23 sa Las Vegas—ang siyang naging favorite topic. Anumang iwas ni Pops na sagutin ang tungkol dito ay hindi siya pinalusot ng entertainment press na naroroon.

"Ang movie ko ang pag-usapan natin," natatawang pasakalye ni Pops.

Sa TV interview kay Martin pagbalik niya ay sinabi ng singer na kukunin niyang ninang si Pops para kay Santino. Nang hingan ng kanyang reaksiyon si Pops tungkol dito ay hindi siya makapaniwalang sinabi yun ng kanyang ex-husband.


"Why not, coconut?" biro muna niya. "Pero dapat isipin ni Martin na kuripot ako, saka kailangang marinig ko yun from Martin. Ayaw lang ninyong [entertainment press] maniwala, pero magkasundo pa rin kami talaga ni Martin—kahit paminsan-minsan hindi naiiwasang may di kami napagkakasunduan."

Dagdag pa niya: "Matagal din naman kaming naging mag-asawa and until now, nandun pa rin ang care and friendship, because we both love our sons—Robin, who’s turning 20 on November 30, and Ram, who'll be 17 in January 2007. It’s good narito si Martin, he can celebrate the birthday of Robin."

Si Pops naman ay magse-celebrate ng kanyang birthday on December 11 pero nakabalik na raw si Martin that time sa Las Vegas kunsaan pumirma ng kontrata ang Concert King to perform in a hotel casino for one year.

Ayon pa kay Pops, walang problema sa kanya kung tawagin siyang "Tita" ni Santino paglaki nito.

Nang tanungin naman siya about Katrina, as much as possible daw ay away niyang pag-usapan ang tungkol dito. Just the same, nagpahiwatig siya na pabor siya kung saka-sakali mang magdesisyon nang magpakasal sina Martin at Katrina.

"I’d rather not discuss about her [Katrina]," sabi ni Pops. "But I think it’s about time na maging sila na dahil it’s been a long time na rin. My kids naman are open-minded, they are open to the possibilities na darating yun. I’m very polite to everybody and I want to set an example to my kids."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nabanggit din ni Pops na nagtampo ang kanyang inang si Dulce Lukban sa ipinakitang excitement ni Martin nang isilang si Santino na ipinalabas sa The Buzz bilang birthday gift ng Concert King sa isa sa hosts ng programa na si Boy Abunda. Ang dating daw kasi nito kay Dulce ay parang noong lang nagkaanak si Martin.

Ayon kay Pops, para raw kina Robin at Ram ang ipinagtampo ng ina niya pero naintindahan naman daw ni Dulce kung bakit ganun na lang ang tuwa ni Martin. Si Ram kasi na bunso nina Martin at Pops ay magse-17 years old na so ganun na katagal bago naramdaman ulit ni Martin ang maging isang ama.


Samantala, very excited si Pops sa kanyang role as the main contrabida sa Zsa Zsa Zaturnnah.

"First time in my movie career na nakagawa ako ng ganitong klase ng movie na may humahagis na kotse, naka-harness ako at pasa-pasa ako kung umuwi," natatawang kuwento niya. "May eksena pa ako rito na I ask pa the help of my son, Ram, who’s studying at Brent School for the British accent sa dialogues ko."

"I’m happy na nakasama ako sa ganitong movie kahit pa nga na galit-galit sa akin si Mother Lily dahil medyo na-delay ang shooting dahil sa akin. Tapos na akong mag-dub ng lines ko, pero nagustuhan ko na kahit hindi ko pa nakikita nang buo ang movie."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN