Angelica Panganiban mum about Camille-Derek 'kissing'



Hindi pa rin matigil-tigil ang usap-usapan tungkol sa lumabas na balita na nahuli raw na naghahalikan ang young actress na si Camille Prats at ang model-turned-actor na si Derek Ramsey sa birthday party ng ABS-CBN executive na si Deo Endrinal noong November 7 sa Teatrino, Greenhills. Ang nasabing balita na isinulat ng entertainment columnist na si Dolly Anne Carvajal ay na-publish noong November 14.


Wala sanang masama sa balitang ito—kung totoo man—dahil pareho namang single sina Camille at Derek. Nabigyan lamang ito ng kulay dahil si Derek ay nali-link ngayon sa isa pang young actress, si Angelica Panganiban.

Matatandaang dating matalik na magkaibigan sina Camille at Angelica mula nang child stars pa lang sila sa bakuran ng ABS-CBN. Pero nagkalamat ang kanilang samahan nang ligawan si Camille ng boyfriend ni Angelica that time na si Carlo Aquino without the latter’s knowledge.

Hanggang sa lumipat si Camille sa GMA-7 at nag-break sina Angelica at Carlo ay matagal na hindi nag-usap ang dalawang young actresses. Then, sa birthday party nga ni Deo ay nagkita muli at nagkabati sina Camille at Angelica.

Ayon sa ilang showbiz observers ay mukhang magkakagalit na naman ang dalawa, kahit na kakabati lang nila, for the same reason—lalake.

Sa S-Files ng GMA-7 noong November 19 ay mariing pinabulaanan nina Camille at Derek na may halikang nangyari sa kanila. Wala raw katotohanan ang lumabas na balita dahil noon lang daw sila nagkakilala sa birthday party ni Deo.

Sa press con naman ng Pitong Dalagita noong November 21, Tuesday, sa Wok ‘n Stix restaurant ay nakausap ng Philippine Entertainment Portal (PEP) si Angelica tungkol sa nasabing isyu.

Unang-una, nilinaw ni Angelica na magkaibigan lang sila ni Derek. Pangalawa, wala raw siya sa posisyon na magkomento dahil hindi naman niya nakita ang diumano’y halikan nina Camille at Derek.

“Hindi po totoo na kami nang dalawa [ni Derek], although okay siya sa mommy ko,” simula niya.

“Sa issue between Camille and Derek,” patuloy niya, “ayaw ko pong pag-usapan yun dahil hindi ko naman nakita. Tsaka katatapos lang naming magkabati ni Camille.”

Dagdag niya: “Siguro po right time na magkabati na kami [ni Camille]. Parang ako ang gumawa ng first move kasi nang dumating ako sa party ni Tito Deo, lahat bineso-beso ko. Tapos, si Camille pala yung huli at medyo nagkagulatan pa nga kami. Pero hinalikan ko po siya and that’s it. Nagti-text na kami sa isa’t isa ngayon.”

Sa isyu naman na front lang daw siya ni Derek dahil may girlfriend daw talaga ang aktor sa Australia—kunsaan nanggaling si Derek kamakailan—sinabi ni Angelica na, “Hindi ko naman controlled kung sinu-sino ang nali-link sa kanya. Hindi pwedeng ako lang dahil hindi pa naman kami.”

Samantala, si Angelica pala ang Calendar Girl ng Ginebra San Miguel para sa 2007. Susunod siyang mapapanood sa Pitong Dalagita na showing next week at kasama rin siya sa horror flick na Matakot Ka Sa Karma, an official entry sa Metro Manila Film Festival 2006.

With an additional report from Erwin Santiago

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN