Richard Gutierrez, Angel Locsin magtatambal para sa Valentine's Day movie ng GMA Films



Sisimulan na ang shooting ng bagong pelikula nina Richard Gutierrez at Angel Locsin bago matapos ang buwang kasalukuyan, sabi ng isang source ng Philippine Entertainment Portal (PEP) sa GMA Films.

Wala pang title ang pelikula na Valentine’s Day presentation daw ng film arm ng GMA-7.

Adaptation ng literary at film classic na Wuthering Heights at inspired ng Hihintayin Kita Sa Langit—na pinagtambalan nina Richard Gomez at Dawn Zulueta sa Reyna Films—ang Angel-Richard project na isusunod nila sa Mano Po 5: Gua Ay Di, ang official entry ng Regal Entertainment sa Metro Manila Film Festival sa susunod na buwan.

Contrary sa nabalita, hindi binili ng GMA Films sa Reyna Films ni Armida Siguion-Reyna ang rights ng Hihintayin Kita Sa Langit dahil adaptation din ang nasabing pelikula ng Wuthering Heights.

Si Mike Tuviera—director ng horror flick na Txt starring Angel, Dennis Trillo and Oyo Boy Sotto at ng “LRT” episode ng Shake, Rattle and Roll 8—ang napili ng GMA Films lady boss Annette Gozon-Abrogar na magdirek ng bagong pelikula nina Angel at Richard. Si Racquel Villavicencio, na scriptwriter din ng Hihintayin Kita Sa Langit, ang siyang susulat ng script.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN