Keempee de Leon ayaw mag-expect sa Asian TV Awards



Hindi maipaliwanag ni Keempee de Leon ang saya at excitement na naramdaman niya nang napabilang siya sa nominees sa 11th Asian TV Awards na gaganapin sa November 30. Nominado ang anak ni Joey de Leon (sa veteran actress na si Daria Ramirez) sa kategoryang Best Comedy Performance of an Actor para sa Bahay Mo Ba ‘To? at magkalaban sila rito ni Michael V., para naman sa Bubble Gang at tatlo pang ibang nominado mula sa ibang Asian countries.

Ayon kay Keempee nang makausap ng Philippine Entertainment Portal (PEP) sa taping ng Bahay Mo Ba ‘To? last Tuesday, November 21, sa GMA-7 Studio 3, first time niyang na-nominate sa Asian TV Awards. Nakadalo na siya rito last year nang manalo ang Eat Bulaga! sa kategoryang Best Entertainment Special.

Ang program manager ng Bahay Mo Ba ‘To? na si Darlene de Jesus ang nagbalita kay Keempee na nominado siya para sa naturang award.

"Siyempre nang marinig ko ‘yun, masaya ako, hindi lang para sa akin kundi para na rin sa show naming Bahay Mo Ba ‘To? dahil ‘yon bale ang dinadala ko," natutuwang sabi ni Keempee.

Aniya pa, "Sabi nga nila sa akin [cast and management of Bahay Mo Ba ‘To?], kailangan kong um-attend kaya lang nauna yung commitment ko sa Hong Kong e. Bahala na, kung maaayos ng Siete ‘yung schedule ko."

Aalis si Keempee sa December 1 patungong Hong Kong upang mag-show para sa mga OFW kasama sina Gladys Guevarra, Kaye Brosas, at iba pa. Samantalang sa November 29 naman ang alis ng mga taga-GMA-7 papuntang Singapore para um-attend ng Asian TV Awards.

"Hindi ko nga alam kung paano ko hahatiin ang sarili ko, nagsabay-sabay e. Bahala na, ipagdarasal ko na lang," sabi ni Keempee.

"Big honor para sa akin siyempre ito," dagdag niya. "Medyo kahit paano ay pressured din ako. Ayaw kong mag-expect na manalo, pero umaasa rin siyempre ako at ang mga katrabaho ko. Actually, ‘yung ma-nominate lang ay malaking bagay na, lalo na kung manalo pa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Tapos kalaban ko pa si Bitoy [palayaw ni Michael V.] na kasamahan ko rin sa Eat Bulaga!. Imagine, parang pantay na kami ngayon. Ang galing-galing niya dahil nanalo na siya last year. Kaya second time na niyang na-nominate sa Asian TV Awards. Pero mas maganda siguro kung pareho kaming mananalo," nakatawang saad pa ng aktor na kinagigiliwan ng maraming televiewers sa kanyang kuwelang pagganap bilang bading na si Harold sa naturang Bahay Mo Ba 'To?.

Umabot sa kabuuang 11 nominasyon ang nakuha ng Pilipinas sa Asian TV Awards this year. Anim mula sa GMA-7, apat sa ABS-CBN, at isa sa ABC-5.

Samantala, natutuwa naman si Keempee sa muling pagsasama nila ng dating ka-loveteam niya sa That's Entertainment at ex-girlfriend na si Manilyn Reynes sa "LRT" episode ng Shake, Rattle & Roll 8 ng Regal Entertainment na idinirehe ni Mike Tuviera.

First time nagkasama sa isang full-length movie ng dalawa kaya naman nang ginagawa nila ito'y kapwa sila excited.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN