Iwa Moto bawal magpa-interview sa ABS-CBN



Napag-alaman ng Philippine Entertainment Portal (PEP) na pinagbabawalan pala ng GMA Artist Center magpa-interview ang contract artist nilang si Iwa Moto sa ABS-CBN. Nakumpirma ng PEP ito sa press con ng Pitong Dalagita na ginawa sa Wok N’ Stix sa may T. Morato, Quezon City noong November 21.

Nilapitan si Iwa ni Obette Serrano, entertainment reporter ng TV Patrol, para interbyuhin sana ng news program ng ABS-CBN. Agad pumayag si Iwa, pero nagbago ang isip ng young actress nang makitang microphone ng Dos ang nakaumang sa kanya.

Maganda naman ang pakiusap ng StarStruck 3 runner-up na hindi siya puwedeng magpa-interview dahil magagalit daw sa kanya ang GMA Artist Center at ang GMA-7. Exclusive daw kasi ang contract niya at ipinagbabawal sa kanya ang magpa-interview sa karibal na network.

Hindi na nagpilit si Obette na makausap si Iwa at naintindihan ang situwasyon ng young actress. Ang ipinagtataka lang ni Obette, bakit sina Nadine Samonte at Cristine Reyes—na co-stars ni Iwa sa Pitong Dalagita—na may exclusive contract din sa GMA at Artist Center ay pumayag magpa-interview.

May kinalaman kaya ito sa pagdalaw minsan ni Iwa sa set ng The Buzz ng ABS-CBN noong October 29 kasama ang boyfriend niyang si Yexel Sebastian? Hindi man nagpa-interview sa show si Iwa na nanood lang daw at dumalaw sa isa sa hosts ng programa na si Cristy Fermin, marahil binigyan pa rin ito ng ibang kulay ng ilan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN