John Prats masaya sa piling ng kanyang non-showbiz girlfriend



Very much happy kung ilarawan ng young actor na si John Prats sa Philippine Entertainment Portal (PEP) over the phone, on November 23, ang present relationship niya ngayon with his girlfriend na si Miyakka Lim. Three months na raw silang mag-on.



Nakilala raw niya ang girlfriend sa pamamagitan ng best friend ng kapatid niyang si Camille Prats. Ayon kay John, early last year pa nang magkakilala sila ni Miyakka. Ilang buwan din daw niyang niligawan ang dalaga bago siya sinagot nito noong August 8, 2006. Bagamat na-attract na agad ang young actor kay Miyakka, hindi raw niya ito magawang ligawan agad dahil at that time ay may boyfriend pa ang dalaga.

John will turn 24 years old sa February 14 next year while Miyakka naman is 20 years old at graduating student ng La Salle Taft. She's taking up Communication Arts.

Ang daddy ni Miyakka ay si Frankie Lim, dating Alaska player sa Philippine Basketball Association at ngayo'y manager ng koponang Talk & Text while Miyakka's mom naman is Olen Lim who writes for Cosmopolitan magazine.

After his relationship with Heart Evangelista—na inamin lang nila nang break na sila—lahat halos ng naging girlfriend ni John ay hindi na niya inilihim sa publiko.

Ayon kay John, mas naging focused daw siya sa trabaho nang maging sila ni Miyakka.



"Ang saya! Ang sarap!" sobrang excited na sabi ni John. "Sobrang supportive siya sa akin. Noong maging kami, mas naging focused pa ako sa trabaho ko at kahit sa family.

"Kasi, ‘yung time na wala akong girlfriend, kung kani-kanino ako nali-link. Siyempre, sa part ko, kakahanap ng someone, ang nangyayari, nagmumukha tuloy akong playboy. Pero ngayon dahil alam kong nandiyan lang siya, sumusuporta, mas focused ako at may direksyon na ako sa lahat ng bagay," pagmamalaki pa ni John.

Wala rin daw problema pamilya nila ang kanilang relasyon dahil tanggap ng respective families nila ang isa't isa.

Dahil magkaiba ang mundong ginagalawan nila, basta may bakanteng oras si Miyakka sa school ay madalas daw pinapasundo ni John sa driver ang dalaga para makasama niya ito habang nasa set siya ng TV shows niya.

Kung may free time naman daw silang pareho, nandiyang kumakain sila sa labas or nanonood ng sine. Pero kuwento rin ni John, ang pinaka-best moment na raw siguro nila ay noong October 6, two days before their 2nd monthsary. Nagpunta raw sila sa Antonio's Garden sa Tagaytay at doon sila nag-celebrate dahil sa mismong araw ng kanilang monthsary ay may trabaho si John.

Samantala, nilinaw rin ni John na hindi naging sila officially ng Pinoy Big Brother ex-housemate na si Say Alonzo. Inamin ng young actor na nakapag-date sila ni Say bago niya niligawan si Miakka, pero hindi raw nag-prosper ang kanilang relasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Napapanood si John regularly sa ABS-CBN shows na ASAP '06 at Aalog-Alog samantalang intro jock naman siya sa Studio 23. Sa pelikula naman ay kasama siya sa cast ng Super Noypi na official entry sa Metro Manila Film Festival this year.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN