Ruby Rodriguez nadisgrasya sa show ni Pauleen Luna



Sa ginanap na birthday concert ni Pauleen Luna sa Zirkoh comedy bar sa Timog Ave., Quezon City noong November 18, bahagyang naaksidente ang co-host niya sa Eat Bulaga! na si Ruby Rodriguez dahil sa kagustuhang matulungan ng huli ang young actress.

Nasa second floor kasi ng Zirkoh ang dressing room kaya’t sa tuwing hindi nakasalang sa stage si Pauleen ay pumapanhik siya para makapag-pahinga at makapag-retouch.

Ang kaso, sa pagmamadali dahil siya na ang susunod na magpe-perform, napatakbo si Pauleen at hindi niya namalayan na hagdanan na pala ang kaharap niya. Napasigaw ang young actress at narinig naman ito ni Ruby na nasa malapit lang.

Akmang dadamayan na sana ni Ruby si Pauleen pero napatid naman ang comedienne mula sa upuan na kabit-kabit kaya siya naman ang nadapa.

Namaga ng konti ang paa ni Ruby at pagkatapos ng insidente ay nakapagbiro pa siya ng “Mag-tiyahin nga tayo” na ang tinutukoy ay si Pauleen. Yun kasi ang tawagan nila sa Eat Bulaga!.

Humirit pa si Ruby sa may-ari ng Zirkoh na si Allan K: “Ano ba naman itong si Allan K? Ang yaman-yaman pero luma ang mga upuan-parang upuan ng parlor, kabit-kabit!”

Walang kaalam-alam ang mga tao sa loob na may nangyaring konting disgrasya sa itaas.

Maliban kay Ruby, guest din ni Pauleen sa kanyang birthday concert sina Janno Gibbs, Mark Herras, Alyssa Alano, Teri Onor, at ang “napadaan at makikiihi lang” na si Ai-Ai delas Alas.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN