Angel Locsin gets a taste of Robin Padilla's extra care



Kilala ang action superstar na si Robin Padilla sa pagiging gentleman sa kanyang leading ladies. Ilang beses na rin silang nahulog sa kakaibang karisma ng tinaguriang Bad Boy of Philippine Movies.

Ngayon ay ang young actress na si Angel Locsin ang pinakabagong leading lady ni Robin. Magkasama ang dalawa sa action-drama series ng GMA-7 na Asian Treasure na kasalukuyan nilang ginagawa at nakatakdang ipalabas early next year.

Sa press visit sa shooting ni Angel ng Mano Po 5: Gua Ay Di, kung saan katambal niya si Richard Gutierrez, sa isang warehouse sa Pasig kahapon, November 23, ay nagkuwento ang young actress sa PEP tungkol sa pag-aalaga at concern na ginagawa sa kanya ni Robin sa taping nila ng Asian Treasure.

Aniya, "Si Kuya Binoe [palayaw ni Robin], kapag may hampasan na kami [sa eksena], gusto niya yung todo talaga ang hataw. Masama ang loob niya kapag di siya nasaktan. Gusto niya masakit talaga, pero ako hindi niya ako sinasaktan. May konting pitik, pero hindi naman yung aaray ka talaga. Ang gusto ni Kuya Binoe, lumagapak ang tama sa ulo niya.

"Sabi niya sa akin," patuloy niya, "huwag akong maiilang at huwag akong gagawa ng isang bagay na hindi ako kumportable. Tulad kahapon [November 22, sa taping ng Asian Treasures], natamaan ako ng siko niya. Panic siya agad, nagpakuha agad ng yelo. Tapos sorry siya nang sorry, pero hindi naman niya kasalanan."

Minsan naman daw ay nanginig si Angel sa sakit na dulot ng tama sa kanyang katawan dahil sa maling blocking sa isa nilang eksena. Sumakit daw ng todo ang kanyang tuhod kaya talagang di napakali si Robin kung ano ang gagawin nang mga sandaling yon.

"Sabi ko kay Direk Eric [Quizon, direktor ng Asian Treasure], sandali lang dahil nanginginig ang tuhod ko. Pinipilit kong maging okey kasi nagpa-panic talaga siya [Robin] kapag nasasaktan ako. Siya kasi ang nagtuturo [ng fight scenes] kaya concerned siya kapag nasasaktan ako," sabi ni Angel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dahil kilala nga si Robin sa pagiging gentleman at matinik sa chicks, handa na raw si Angel sa mga intrigang darating.

"Actually, bago kami nagkakilala, alam ko naman na ganoon siya," natatawang sabi ni Angel.

Idinagdag din ni Angel na kahit ang boyfriend niyang si Oyo Boy Sotto ay binibiro siyang mag-ingat kay Robin.

"Dinadaan lang ni Oyo sa biro pero may tiwala naman siya sa akin," sabi ng young actress. "Ako naman, ginagawa ko lang ang trabaho ko. Tsaka may asawa yung tao [Robin]."

Hindi siguro aware si Angel na isang Muslim si Robin, na kasal kay Liezl Sicangco, kaya puwedeng magpakasal ang action superstar higit pa sa isang beses.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN