Richard Gutierrez talks about girlfriend Georgina Wilson



Kahit na madalang silang magkita ay masaya pa rin daw ang young actor na si Richard Gutierrez sa relasyon nila ng kanyang current girlfriend na si Georgina Wilson, a print ad model and niece of 1969 Miss Universe Gloria Diaz. Medyo iwas lang si Richard na pag-usapan ang tungkol sa kanila ni Georgina, pero nagbigay pa rin siya ng pahayag ang bida sa Captain Barbell.

"Okay lang, I have nothing to hide," nangingiting sabi ni Richard sa panayam sa kanya ng PEP sa shooting ng Mano Po 5: Gua Ay Di kahapon, November 23, sa isang warehouse sa Pasig City. "Hindi naman ako secretive, it's just that ayoko lang masyadong pag-usapan ang private life ko."

One year and four months na raw sila ni Georgina, ayon kay Richard—who will be turning 23 on January 21 next year. Nang tanungin kung ano ang sikreto ng kanilang relasyon, sinabi nito na: "Wala. We're just compatible and we understand each other."

Dagdag pa niya, "Tingnan natin kung kami nga [ni Georgina] ang magkakatuluyan. Ayokong magsalita ng patapos, pero let's see. Everything is going well now at madami siyang mga qualities na gusto ko."

Sa ngayon ay nasa Australia si Georgina—who will be turning 21 on February 12 next year—kung saan ito nag-aaral. Pero kahit malayo sila sa isa't isa ay hindi raw sila nakakaramdam ng selos, lalo pa't lapitin ng mga babae si Richard dahil sa kaguwapuhan nito.

"Hindi," natatawang sagot ni Richard sa tanong kung may dahilan bang magselos si Georgina sa kanya. "I'm very professional sa trabaho ko. Work lang talaga ako. She's fine and she will be home soon."

Samantala, inamin ni Richard na mahigit isang taon ding tumagal ang relasyon nila noon ng dati niyang girlfriend na si Anne Curtis. Pero inilihim daw nila ito noon sa publiko dahil sa kanilang murang edad.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"One year plus kami ni Anne," sabi ni Richard "Matagal din kami ni Anne, actually. Bata pa kasi kami noon kaya isinikreto namin. Wala namang nagbabawal, ayaw lang namin pagpipiyestahan ng publiko."

Kahit na hindi na sila ay nanatili raw silang matalik na magkaibigan ni Anne.

Regular na napapanood sa TV si Richard sa GMA-7 shows na Captain Barbell, NUTS Entertainment, at SOP. Katambal naman niya sa Metro Manila Film Festival 2006 entry na Mano Po 5 si Angel Locsin.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN