Halik ni Richard Gutierrez 'pang-kilig' lang--Anne Curtis



Ikinagulat nang husto ng young actor na si Richard Gutierrez ang diumano'y pagkukumpara ng kanyang dating girlfriend na si Anne Curtis sa halik niya kina Oyo Boy Sotto at Sam Milby.

Ayon daw kay Anne ay "pangkilig" lang ang halik ni Richard samantalang "intense" kay Oyo at "good kisser" naman si Sam. Gaya ni Richard ay ex-boyfriend din ni Anne si Oyo Boy samantalang si Sam naman ang kapareha ng young actress sa ABS-CBN drama series na Maging Sino Ka Man.

"Sinabi yun ni Anne?" nagtataka ngunit nakatawang tanong ni Richard sa PEP during the press visit sa shooting ng pelikulang Mano Po 5: Gua Ay Di noong Huwebes, November 23, sa isang warehouse sa Pasig. "Baka dati yun, not anymore?"

Later on ay sinabi niyang: "Wala na akong magagawa doon. Ayoko nang mag-react, pero bakit naman niya nila-'lang' yung [halik] sa akin?

"Baka para sa kanya ay kilig na yon. At least, kinilig siya, di ba? Baka noong hiwalay na kami, di na siya kinikilig kaya niya nami-miss," biro pa ni Richard.

Matatandaang kumalat noon sa cell phone at Internet ang video ng ilang segundong halikan nina Richard at Anne na nakunan noong sila pa.

Ayon kay Richard ay tumagal daw ng mahigit isang taon ang relasyon nila ni Anne. Pinili raw nilang ilihim ang relasyon nila dahil masyado pa silang bata noon.

Nalaman lang ng publiko na naging sila pala nang nag-break na sila.



Samantala, pagdating naman sa kanila ng leading lady niya sa Mano Po 5 na si Angel Locsin ay di na bago ang halikan. Ilang beses na rin kasi silang nagkaroon ng kissing scenes sa dami ng projects na pinagsamahan nilang dalawa-sa pelikula man o telebisyon. Dito nga raw sa Mano Po 5 ay marami silang kissing scenes.

"Iba yung kiss namin dito [sa pelikula], mas matured," sabi ni Richard. "Makikita naman ang difference kapag napanood ninyo ang pelikula. Madami-dami kayong makikitang kissing scene namin dito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag niya: "Si Direk [Joel Lamangan], ginugulat kami minsan dahil bigla na lang siyang magsasabi na magki-kiss kami sa isang particular na eksena kahit wala sa script."

Official entry sa Metro Manila Film Festival ang Mano Po 5 ng Regal Entertainment.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN