Bea Alonzo open na sa relasyon nila ni Mico Palanca?



Finally, after more than a year ng pagkaka-link ng young actress na si Bea Alonzo sa young actor na si Mico Palanca, kami mismo ang nakakita sa dalawa na magka-holding hands na lumabas ng Metro Bar last Thursday, November 23, kung saan may show ang bossa nova singer na si Sitti.



We were invited by former actress Tanya Montenegro—sister of Nadia Montenegro—sa show ni Sitti na iprinodyus ng Hooopla! Events Specialist, kung saan Business Development Director ang kanyang boyfriend na si Michael 'Rocky' Dauden. Kabilang si Mico sa circle of friends sa showbiz ni Tanya kaya nakakatuwa na nakikipag-bonding na rin sa kanila si Bea without chaperone, huh.



Kunsabagay, 19 years old na si Bea at meron na siyang sariling condo unit sa Eastwood, Libis. Dahil sa pagpi-PDA (public display of affection) nila ni Mico ay parang kinumpirma na nila officially ang kanilang relasyon. From people close to Mico, younger brother ni Bernard Palanca, mag-on na sila ni Bea even before she celebrated her 19th birthday last October 17.



Siguro naman naisip ni Bea na wala na siyang dapat ikailang ‘pag lumabas sila ni Mico publicly. After all, tanggap naman ang loveteam nila ni John Lloyd Cruz—na napapanood sa ABS-CBN drama series na Maging Sino Ka Man—kahit alam na rin ng publiko na may girlfriend siya.

Lalo tuloy lumabo ang pag-asa ng fans nila na magkatuluyan sila in real life dahil si John Lloyd ay may girlfriend na rin—ang assistant fashion editor ng Preview magazine na si Liz Uy.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN