Michelle out, Sitti in sa puso ni Victor Neri?



Noong November 23 ay nagkaroon ng concert ang bossa nova singer na si Sitti sa Metro Bar sa West Avenue, Quezon City. Through the invitation of former actress Tanya Montenegro ay pinanood namin ang concert ni Sitti.

Namataan din namin among the audience ang aktor na si Victor Neri kasama ang kaibigan niyang si Jojo Manlongat. All eyes si Victor sa panonood kay Sitti. A source told us na alas-tres pa lang ng hapon ay nakainom na si Victor. At eight in the evening pa lang ay nasa Metro Bar na raw siya.



Walang kapuknat-puknat ang mga mata ni Victor habang nagpe-perform si Sitti. May mga pagkakataon pa na kinukunan ni Victor si Sitti ng picture sa kanyang cellphone. Kaya panay ang tukso sa kanya ng iba pa nilang friends na nanonood that night gaya ng magkapatid na Lotlot at Ian de Leon.



Mukhang si Sitti ang nagpawi ng kalungkutan ni Victor that night. Nalaman namin from a source that night na kabi-break lang recently ni Victor sa girlfriend niyang si Michelle Madrigal, produkto ng artista search ng ABS-CBN na Star Circle Quest.


Two months lang tumagal ang relasyon ng dalawa at ‘too young' ang sinabi ni Victor na dahilan ng break-up nila ng young actress na si Michelle sa kanyang mga kaibigan. Posibleng ang break-up nila ni Michelle ang dahilan kung bakit maaga pa lang ay umiinom na ng alak si Victor.

After the show, pinuntahan talaga namin si Sitti sa kanyang dressing room. Panay smile ang sagot niya sa amin every time we asked her about Victor na obviously ay na-mesmerize sa boses at kaseksihan niya sa stage.

Nalaman namin na wala palang boyfriend si Sitti for more than a year na. So, we asked her kung sasagutin niya si Victor kung sakaling manligaw ang aktor sa kanya.



"Puwede," nakangiting sagot ni Sitti.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN