Yasmien Kurdi 'inapi' ng lola niyang Lebanese



Hindi acting kundi tunay na mga luha raw ang lumalabas sa mga mata ng young actress na si Yasmien Kurdi sa role niya bilang Charming sa GMA-7 drama series na Bakekang. Lalo na raw sa mga eksenang minamaltrato siya ni Lotlot de Leon na gumaganap bilang amo niya.


Naaalala raw kasi ni Yasmien ang pang-aapi na ginawa sa kanya ng kanyang lolang Lebanese noong eight years old pa lang siya.

Ayon kay Yasmien, tuwing iniiwan daw siya ng kanyang ama na Lebanese sa bahay ng kanyang lola noong nakatira pa sila sa Libya, ginagawa raw siyang alila nito. Kung anu-ano raw ang mga trabahong ipinapagawa sa kanya sa murang edad niya.

"Hindi niya [lola niya] kasi ako paborito kasi may dugo akong Pinoy," malungkot na pag-alala ni Yasmien sa panayam sa kanya ng PEP sa press con ng Pitong Dalagita noong November 21 sa Wok ‘N Stix restaurant. "Mas gusto niya ang mga pinsan ko kasi mga full-blooded Lebanese sila. Kaya ako ang inaapi niya.



"Imagine, pinapaghugas niya ako ng mga kalderong malalaki. E ang tubig na lumalabas doon sa Libya, ang init-init-parang pinakuluang tubig! Ang sakit talaga sa kamay!" kuwento pa niya.



"Tapos pinapaglinis niya ako ng carpet ng bahay," patuloy niya. "E ang paglilinis sa carpet, dapat ginagamitan ng gas. Kaya hirap na hirap ako kasi yung amoy na lang ng gas, nakakahilo na."



Tiniis raw ni Yasmien ang apat na taong pang-aapi ng kanyang lola. Nagkaroon lang siya ng kalayaan nang iuwi siya rito sa Pilipinas ng nanay niya noong 12 years old na siya.



"Hindi ko sinasabi sa daddy ko yung mga ginagawa sa akin ng lola ko kasi baka hindi ako paniwalaan," sabi pa niya. "Baka kasi pagsimulan pa ng gulo kaya tahimik lang ako noon. Pero tapos na ‘yun, e. Maganda na ang buhay ko. Kung saan man ang lola kong yon, sana okey pa rin ang buhay niya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Yasmien ay produkto ng artista-search ng GMA-7 na StarStruck kung saan naging runner-up siya ng first female winner na si Jennylyn Mercado.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN