Sunshine Dizon sa Amerika na naman magpa-Pasko



Ngayong December, mag-a-advance taping ang primetime drama series ng GMA-7 na Bakekang dahil magbabakasyon sa Amerika ang title roler dito na si Sunshine Dizon.



Every year, lumuluwas si Sunshine patungong U.S. upang doon mag-Christmas kasama ang kanyang ama. Once a year na nga lang daw sila magkita, kaya kahit papaano ay planado na ang pag-alis niya.

Sa December 22 aalis si Sunshine, at 15 days din siyang mawawala, kaya puspusan ang gagawing taping ng buong cast and crew ng Bakekang.

"Chance ko na rin ‘yun na magpahinga ako kahit mga 15 days lang," masayang sabi ni Sunshine sa panayam sa kanya ng PEP sa taping ng Bakekang noong November 23 sa Mowelfund. "Since kasi natapos yung Encantadia, hindi na rin ako nakapagbakasyon. Nagsimula kasi ako kaagad sa Captain Barbell, tapos sumunod naman agad itong Bakekang."

Ayon pa sa young actress: "It was worth all the pagod kasi ang ganda ng pagtanggap ng mga televiewers sa Bakekang. Nagulat nga ako nang malaman ko na kami na pala ang pinakamataas sa lahat ng primetime shows sa GMA-7. Kaya lalo kaming nagiging masipag at lalong gumaganda ang mga eksena namin dito sa show."



Sa pagganap ni Sunshine bilang stage mother ni Kristal (Lovi Poe) sa Bakekang, marami ang nakakapansin na kopyang-kopya raw ng dating child actress ang mga kilos ng kanyang sariling ina na si Dorothy Laforteza.


"Natatawa nga kami kasi may eksena na nakaupo lang ako tapos nagte-text," tawa ni Sunshine. "Ganyan si mommy noong binabantayan pa niya ako sa taping. Ganon pala ‘yun, kung ano ang ginagawa sa iyo ng mommy mo ay nagagaya mo."



Dagdag pa niya: "Pero si mommy, super busy na ngayon sa negosyo niya. Mas abala na siya sa itinayo naming canteen, tapos nag-franchise pa siya ng isa pang business kaya wala siyang time na bisitahin ako sa set tulad noon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Kapag dumadaan nga siya, gusto niyang umalis kaagad kasi napapagod na raw siya. Unlike noon kasi, kahit na abutin ako ng madaling-araw sa set, magbabantay ‘yan. Ngayon ayaw na niya. Kaya ko na raw kasi ang sarili ko."

Bukod sa Bakekang ay napapanood din regularly si Sunshine sa GMA-7 sitcom na Bahay Mo Ba 'To?.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN