Lorna Tolentino drops plan to direct



Hindi na ipinagpatuloy pa ng aktres na si Lorna Tolentino ang plano niya noong magdirek ng pelikula o isang telesine. Na-realize daw kasi niya na hindi niya kakayanin ang pressure ng pagiging isang direktor.



Matatandaang nag-aral si Lorna ng film directing sa Amerika sampung taon na ang nakalilipas. Ilang buwan din siyang namalagi sa States para matapos niya ang kanyang film course.

Ayon sa aktres, hindi naman siya nanghihinayang na hindi niya nagamit ang pinag-aralan niya. Nagagamit naman daw niya kasi ito bilang isang artista.



"Alam ko pa rin naman ‘yung mga pinag-aralan ko," sabi ng aktres sa press visit sa shooting ng Mano Po 5: Gua Ay Di, noong Huwebes, November 23, sa isang warehouse sa Pasig. "Nai-a-apply ko naman siya sa work ko as an actress sa TV at pelikula. Yung pagiging organized at maayos sa trabaho ko, isa yan sa natutunan ko sa film course ko noon."



Patuloy pa ng aktres: "Hindi naman ako nanghinayang na hindi ko man lang nagamit o na-practice dito sa atin yung pinag-aralan ko. Siguro nga, hindi para sa akin ang magdirek. Mas concentrated kasi ako sa negosyo e. Mas bagay sa akin ang maging businesswoman kesa maging film or TV director.



"Naniniwala ako na may mga taong bagay sa ganyan [pagdidirek]. Tulad ng kaibigan kong si Gina Alajar, mas may karapatan siyang maging director kaysa sa akin. Mas nakalinya siya roon. May kanya-kanya kasi tayong specialty sa buhay. Tulad ko, sa business talaga ako magaling."

Bukod sa pagiging aktres at TV host (co-host siya sa Startalk ng GMA-7), may ilang business ventures si Lorna, gaya ng franchise ng Gal's Bakery at ng Crystal Clear.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN