Juliana Palermo appears in 'The Tyra Banks Show'



"Sex 101 with Sex Expert Sue Johanson" ang episode title ng The Tyra Banks Show, ang daytime talk show ng supermodel na si Tyra Banks, na ipalalabas ngayong gabi sa Amerika (Manila time).



May appearance sa naturang show ang sexy actress na si Juliana Palermo na inimbitahan ng isang kaibigan para maging bahagi ng audience.



Sa kuwento ni Juliana, nagkaroon ng survey ang show tungkol sa sex at tanging siya ang sumagot ng "no."

Tinawag siya ni Tyra para i-defend niya ang kanyang sagot at siya rin ang pinag-interbyu ng sikat na TV host sa ibang bisita ng programa.

In-interview rin ni Tyra si Juliana kaya nalamang artista siya at kolumnista sa Pilipinas.

Memorable kay Juliana ang kanyang appearance sa The Tyra Banks Show dahil na-meet niya nang personal ang sikat na model-turned-TV host.



Ayon kay Juliana, niyakap siya ni Tyra at sinabihan na "you're gorgeous."



Mapapanood ang naturang episode ng Tyra Banks sa ETC dito sa Pilipinas (wala pang exact date kung kailan).



First week ng November nang i-tape ang nabanggit na episode pero mamaya pa lamang ito ipalalabas sa Amerika.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN