Aga and Dayanara still have feelings for each other?



Recently ay bumalik sa Pilipinas ang dating Miss Universe (1993) na si Dayanara Torres pagkalipas ng siyam ng taon. Apat na araw lang ang inilagi ng Puerto Rican beauty queen sa bansa kaugnay ng pag-endorse niya ng isang local cosmetic surgery and skin clinic.

Sa kanyang press con at iba pang TV interviews ay hindi siyempre nawala ang mga tanong tungkol sa ex-boyfriend ni Dayanara na si Aga Muhlach.

Dahil nga may kanya-kanya na silang buhay ay panay ang iwas ni Dayanara na sagutin ang mga tanong tungkol kay Aga. Ang tanging sinasabi niya lang ay masaya siya ngayon para sa aktor na kasal na kay Charlene Gonzalez.

Pero hanggang ngayon ay tila may nararamdaman pa rin sina Dayanara at Aga sa isa't isa. Nitong huling bisita kasi ng dating Miss Universe ay balitang muntik nang magkausap sa telepono ang dating magkasintahan.

Ayon sa isang mapagkakatiwalaang source, sa isang press con daw ay nakita ni Dayanara ang isang entertainment columnist na naging malapit sa kanya noon. Kinumusta raw ng dating Miss Universe sa kolumnista si Aga. Hindi pa raw nakuntento doon si Dayanara dahil humingi pa siya ng pinaka-recent picture ng ex-boyfriend.

Dagdag pa ng source, nakarating kay Aga ang pangungumusta sa kanya ni Dayanara at talaga raw interesado ang aktor na malaman kung ano ang mga sinabi ng ex-girlfriend.

Minsan naman daw na kausap ni Aga sa telepono ang isang common friend nila ni Dayanara ay kinumusta ng aktor ang ex-girlfriend niya. Mukhang nagtanong pa raw ito kung puwede silang mag-dinner. Nag-suggest daw ang common friend na mabuti pa ay kausapin na lang nang personal ni Aga si Dayanara. Nasa malapit lang daw kasi ang dating Miss Universe.

Sinabi ni Aga sa common friend na "I'll call back in 30 minutes." Ibinigay naman ng common friend ang message kay Dayanara, na excited namang naghintay sa tawag ni Aga. Lumipas ang mahigit sa 30 minuto, ngunit hindi na tumawag uli si Aga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kaya hanggang sa bumalik si Dayanara sa Los Angeles, kung saan na siya naka-base ngayon, ay hindi sila nagkita o nagkausap man lang ni Aga. Ayon pa sa aming source, sa lahat ng mga babaeng minahal ni Aga—kasama na ang misis niyang si Charlene—nananatiling si Dayanara ang kanyang great love. Sinasabi ngang ang bahay ni Aga sa Alabang Village, na tinitirhan ng pamilya niya ngayon, ay ginawa para kay Dayanara.

Matatandaang nang idaos sa Pilipinas ang Miss Universe noong 1994 ay napalapit nang husto sa mga Pinoy si Dayanara bilang outgoing Miss Universe 1993. For four years ay namalagi sa bansa si Dayanara at gumawa ng tatlong pelikula, nag-host ng dance show sa TV show, at nagkaroon ng commercial endorsements.

During her stay here ay na-in love si Dayanara kay Aga, her leading man sa pelikulang Basta't Kasama Kita (1995). Tumagal ng mahigit dalawang taon ang kanilang relasyon. Buong akala ng mga malalapit sa kanila ay magkakatuluyan ang dalawa.

Ngunit nang bumalik si Dayanara sa Puerto Rico sa huling pagkakataon noong Enero 1999 ay naputol na rin ang pag-iibigan nila ni Aga. Hindi sumunod si Aga sa Puerto Rico, at di na bumalik si Dayanara sa Pilipinas.

Noong May 10, 2000 ay pinakasalan ni Dayanara ang Latin singer na si Marc Anthony. A year later, on May 28, 2001, pinakasalan naman ni Aga ang beauty-queen-turned-actress na si Charlene Gonzalez.

Since then, marami nang nangyari sa buhay nina Dayanara at Aga. Nagkaroon ng dalawang anak na lalaki si Dayanara kay Marc, ngunit noong 2004 ay nag-divorce sila. Apat na araw matapos ng divorce, pinakasalan ni Marc ang Hollywood actress-singer na si Jennifer Lopez.

Sina Aga at Charlene naman ay nagkaanak ng kambal-sina Andres at Atasha—at bagamat maraming usap-usapan na nagbubuhay-binata pa rin si Aga, wala namang nakikitang alingasngas ang publiko sa kanilang pagsasama.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN