Marvin Agustin na-shock sa sexy pictorial ni Pauleen Luna


Pauleen Luna defends her sexy poses for a magazine cover.


Ang young actress na si Pauleen Luna ang cover ngayong December ng Uno magazine. Na-shock daw nang husto ang napapabalitang boyfriend niya na si Marvin Agustin nang nakita ang sexy pictorials ni Pauleen sa Uno. Pero sabi ng young actress, wala naman daw siyang nakitang masama sa ginawa niyang pagpu-pose.



"Kinda sexy lang ang pictorial ko dahil one-piece naman ang suot ko," sabi ni Pauleen nang makausap ng PEP sa presscon ng Zsa Zsa Zaturnnah Ze Moveeh sa penthouse ng Imperial Palace Suites kahapon, November 27. "When I was younger, madalas akong magsuot ng two-piece swimsuit sa beach."

Ayon kay Pauleen ay hindi pa raw niya sinasagot si Marvin, but she admitted that they are more than friends. Ipinakita rin ni Pauleen sa PEP ang singsing na ibinigay ni Marvin sa kanya noong debut niya last November 10. Itinanggi niya na engagement ring yun.

Basta ngayon daw ay they are both happy kapag magkasama sila. Kapag busy sila, two times a week lang daw sila nagkikita.

Samantala, nilinaw ni Pauleen ang lumabas na balita na hindi raw alam ng manager niyang si Lolit Solis ang pagpa-pictorial niya sa Uno. Nagalit din daw si Diether sa kanyang mga kasosyo sa magazine dahil hindi nito alam na kinuhang cover girl si Pauleen for their December issue.



"Unang-una, alam ni Nay Lolit ang pagpapa-pictorial ko," paliwanag ng young actress, "although si Kuya Gorgy [Rula, assistant ni Nay Lolit] ang nakipag-usap sa Uno."

Dagdag pa niya, "Hindi totoong hindi alam ni Diether na ako ang kinuhang cover girl dahil for two years, lagi nila akong inu-offer na maging cover girl. Tumatanggi lang ako. This time, pumayag ako, for experience. There's nothing wrong naman posing on the cover of a sexy magazine."

Balita ring nanumbalik ang away nila ni Kristine Hermosa dahil sa pagpu-pose niya sa Uno, kung saan isa nga sa may-ari si Diether. Matatandaang nagkaroon ng isyu kina Kristine at Pauleen pagkatapos ma-link ng huli kay Diether na boyfriend ni Kristine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Para kay Pauleen ay tapos na yun at hindi niya isinasara ang posibilidad na magkabati rin sila ni Kristine balang-araw.

"Kapag nginitian niya ako, bakit naman hindi ako ngingiti?" nakangiting sabi ni Pauleen. "Hindi naman mahal ang ngiti. I'm a very forgiving person at napatawad ko na siya noon pa. Kami nga ni Michelle Madrigal [na nakagalit din niya noon], nagkangitian na nang magkita kami last week sa Embassy Bar sa The Fort. Okey na yun, hindi man kami nagkausap, nagkangitian na kami."

Samantala, sinagot din ni Pauleen ang isyu na pinigilan daw ng parents niya si Keempee de Leon na ipagpatuloy ang panliligaw sa kanya. Dahil dito kaya may tampo raw sa kanya si Keempee dahil pumayag siyang maligawan ni Marvin.



"Hindi po totoo yun," mariing tanggi niya. "Ako po ang nakipag-usap kay Keempee na mas maganda kung maging friends na lang kami. We turned out to be better friends now at noong pumunta ang mga hosts ng Eat Bulaga! sa Hong Kong recently, naging shopping partners kami. Siya ang nagdala ng mga pinamili ko."



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN