Manilyn Reynes ends gap with Lotlot de Leon



Opisyal nang tinapos ng aktres na si Manilyn Reynes ang gap nila ni Lotlot de Leon nang magkasama ang dalawa sa GMA-7 primetime drama series na Bakekang. Although analyzing the situation, ayon kay Manilyn, hindi na siya dapat pang na-involve sa away noon nina Lotlot at Tina Paner noon, na kasama niya sa That's Entertainment noon.



Best friend kasi ni Manilyn si Tina na naunang naging girlfriend ni Ramon Christopher bago nagpakasal ang huli kay Lotlot. Simpatiya na lang daw sa kaibigan niya yun, pero hindi nangahulugan na inaway na rin ni Manilyn si Lotlot.



"Civil lang kasi kami noon [ni Lotlot]," sabi ni Manilyn sa taping ng Bakekang sa Makati last Monday, November 27. "Pero ngayon, nagtatawagan na kami sa phone."

Dagdag pa niya: "Kapag may maliit na business si Balot at nagbebenta siya ng kung anu-anong delicacies, tinatawagan niya ako. Ganoon din ako kapag mayroon akong itinitinda. It's a way na rin to get in touch with her kahit hindi kami nakakabenta sa isa't isa."



Hindi raw dahil sa nagkahiwalay na rin sina Monching at Lotlot kaya nawala yung gap ng huli at ni Manilyn. That's beside the point daw, sabi ni Manilyn, kasi hindi naman daw niya ugali na magtanong ng personal na bagay.



Ayon pa kay Manilyn, hindi pa rin maikukumpara ang closeness niya kina Tina at Sheryl Cruz sa ugnayan nila ngayon ni Lotlot. Sina Manilyn, Tina at Sheryl ang bumubuo noon ng grupong Triplets. Nasa cast din ng Bakekang si Sheryl.

Samantala, nagbigay rin ng pahayag si Manilyn tungkol sa pagiging daring ni Sheryl sa Bakekang. Bilang Valeria, na mortal na kaaway ni Bakekang (Sunshine Dizon) ay may mga eksenang talagang lumalaban sa kissing scenes si Sheryl kina Jay Manalo at Marcus Madrigal.



"It's okay," sabi ni Manilyn. "It's about time na maging mature na rin si She sa roles na ginagampanan niya, lalo na kung madya-justify ang pagiging bad niya sa teleserye namin."'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ipinagtanggol din ni Manilyn si Sheryl sa isyung on the rocks na raw ang marriage ng huli sa asawa nitong si Norman Bustos na naka-base sa Amerika.



"Thats not true. Norman will be flying to the Philippines soon. May usapan na kami nina She na we will go out fishing, kasama ang aming respective families," depensa ng misis ni Aljon Jimenez sa kaibigan.

Mistulang na-resurrect ang career ni Manilyn dahil sa dami ng projects na ginagawa niya ngayon. Bukod sa Bakekang, kung saan gumaganap siya bilang si Marta, ang best friend ni Bakekang, ay isa rin siya sa hosts ng Moms sa QTV 11. Tampok naman ang tambalan nila ni Keempee de Leon sa "LRT" episode ng Shake, Rattle & Roll 8 na official entry sa 2006 Metro Manila Film Festival.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN