Marky Cielo itinangging may bago siyang gay benefactor



Mariing itinanggi ng StarStruck 3 Ultimate Sole Survivor na si Marky Cielo ang kumakalat na balita na may gay benefactor siya na executive diumano ng GMA-7. Ayon pa sa balita, ang gay executive na ito ay "pinagsasaluhan" ni Marky at ng runner-up niya sa StarStruck na si Gian Carlo.

Nang makarating ang balitang ito kay Marky sa taping ng Bakekang sa Makati last Monday, November 27, ay nagulat at nagtaka ang young actor. Ang alam kasi ni Marky ay isang mayamang fan ang natsitsimis sa kanya. Sa katunayan pa nga ay pinabulaanan na niya ito noon sa Startalk.

"Mayroon siyang ibinibigay na gifts noon na akala ko, gifts lang talaga. Pero nang lumabas na ang kung anu-ano, hindi ko na rin tinolereyt," paliwanag ni Marky tungkol sa mayamang fan na nabalitang gay benefactor daw niya.

Ngayon naman, isang gay GMA executive ang iniuugnay sa kanya. Ito raw ang diumano'y nagbigay sa kanya ng kotse na mariing itinanggi ng young actor na mula sa Mountain Province.

"Hindi po!" natatawang sabi ni Marky. "Yung ipinang-down ko po sa kotse ko ay yung napanalunan kong one million pesos sa StarStruck. Hinuhulugan ko pa yun dahil yung natira sa one million ay ipinanggastos sa iba pang pangangailangan ng family namin."

Ayon pa kay Marky, wala siyang ginagatasang bakla para masunod lang ang kanyang mga luho.

Bukod sa Bakekang ay napapanood din regularly si Marky sa Fantastikids at SOP. Kasama rin siya sa Asian Treasure na pagbibidahan nina Robin Padilla at Angel Locsin.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN