'We're more than friends'--Pauleen on Marvin



"A picture of a woman in love" ang description ng mga entertainment writers kay Pauleen Luna sa press con ng Zsa Zsa Zaturnnah Ze Moveeh last Monday, November 27, sa penthouse ng Imperial Palace Suites, Timog.

Bukod sa napaka-sexy ni Pauleen ay halatang blooming ang kaka-debut lang na young actress. Siyempre pa, ang itinuturong dahilan sa magandang aura na ito ni Pauleen ay ang rumored boyfriend niyang si Marvin Agustin.

"I admit we're more than friends," nakangiting sabi ni Pauleen sa PEP tungkol sa status ng relasyon nila ngayon ni Marvin.

Nang tanungin ang young actress kung paano niya idi-describe si Marvin in one word, "special" ang naging sagot niya.

Unang nagkakilala sina Pauleen at Marvin nang pareho pa silang nasa bakuran ng ABS-CBN. Matagal na sa showbiz si Marvin samantalang baguhan pa lang noon si Pauleen. Actually, nagkasama pa nga sila noon sa isang show ng Dos. That time din daw ay crush na ni Marvin si Pauleen, pero hanggang "hi" lang ang batian nila dahil batang-bata pa noon ang young actress.

Tapos nga ay lumipat si Pauleen sa GMA-7 bunsod ng isyu sa kanila nina Diether Ocampo at Kristine Hermosa. Balita kasing nanligaw sa kanya si Diether na involved na that time kay Kristine—na kinumpirma naman ni Pauleen na talagang nangyari.

Pagkalipas ng isang taon, lumipat na rin si Marvin sa Kapuso network. Dito ay nagtagpong muli ang kanilang landas ni Pauleen.



"Sabi niya [Marvin], crush daw niya ako noon pa, pero ang dali namang sabihin na crush kita, di ba?" sabi ni Pauleen. "Kung niligawan niya ako noon, siguro hindi rin nag-work. Kasi mas naging matured siya ngayong nagkaroon siya ng mga anak.

Kuwento pa niya: "When he transferred to GMA-7, there are only few people that he knew and I was one of them. Tapos napadalas yung guesting niya sa Eat Bulaga! [kung saan isa co-hosts si Pauleen] at nasasabay yung guesting namin [ni Marvin] sa SOP. Tsikahan lang kami. Tapos he got my number. Nagti-text siya minsan, nangungumusta lang. Hindi niya ako tinantanan, naging very consistent siya. Doon na nagsimula yun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Ayon sa pa sa young actress, niligawan siya ni Marvin early this year right after humintong manligaw sa kanya si Keempee de Leon middle of last year.

"One thing I like about him [Marvin] is marami kasi diyan na nanliligaw na hindi umaamin," papuri pa ni Pauleen sa young actor. "I mean, okey lang sana na hindi mo aaminin pero huwag mo lang i-deny. Siya, dyusko, ipinaalam sa boung mundo! Tapos, one thing pa na gusto ko sa kanya ay he talks directly to my parents."

Nang tanungin kung sa tingin niya ay magiging responsible husband si Marvin, natawa muna si Pauleen bago sumagot ng: "Huwag naman husband, kaka-18 ko pa lang!"

Then, sinabi niyang: "He's very responsible. He's a responsible dad [may kambal na anak si Marvin from his non-showbiz ex-girlfriend], son, businessman, friend, and best friend. He's also my caterer, my doctor...


"Kapag may taping kasi ako, inaatake ako ng ulcer," paliwanag niya. "Kesehodang four in the morning yun, pupunta siya at magdadala ng pagkain at nagdadala pa yan ng gamot. At, kunwari, nag-uusap kami at sinabi kong nagugugtom ako, after 30 minutes nandidiyan na ang pagkain. Di ba, umi-effort?"



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN