Costumes ni Pops sa 'Zsa Zsa Zaturnnah' hindi papasa kay Martin



Nang mag-pose ang singer-actress na si Pops Fernandez sa FHM for the men's magazine's August 2006 cover, nagkaroon sila ng konting tampuhan ng kanyang ex-husband na si Martin Nievera. Hindi kasi nagustuhan ni Martin ang ginawang pagpu-pose ng kanyang ex-wife at nagkomento ito, na siya namang ikinasama ng loob ni Pops.

Later on ay nagkaayos din ang dating mag-asawa.

Ngayon ay gumaganap si Pops na main villain sa pelikulang Zsa Zsa Zaturnnah. As Queen Femina, na kalabang mortal ni Zsa Zsa Zaturnnah (played by Zsa Zsa Padilla), required na magsuot ng sexy costumes ang Concert Queen.

Sa press con ng Zsa Zsa Zaturnnah last Monday, November 27, sa Imperial Palace Suites, tinanong si Pops kung makakaya kaya niyang gampanan ang role niya sa pelikula kung sila pa ni Martin, especially with the sexy costumes she has to wear.

"No, I can't. Sa costumes pa lang, di na papasa yan kay Martin," natatawang sagot ni Pops.

Aniya pa, "You know, Martin is very conservative and no matter how much I love to do a role like that of Queen Feminah, respeto lang [kay Martin]. Respect ko sa kanya bilang asawa.

"Actually, alam kong nagugulat siya ngayon sa what has become of me. But my kids [Robin and Ram], walang problema sa kanila ang role ko sa movie. In fact, they are rooting now for my movie. Kinakausap nila ang mga friends nila to watch our movie."

Samantala, inaasahan daw ni Pops na maraming gagaya sa costumes nila ni Zsa Zsa sa pelikula as Queen Femina and Zsa Zsa Zaturnnah—lalo na sa mga gay beauty pageants.



"Para ko nang nakikita sa mga gay contest, hahataw ang mga suot namin," tawa niya. "But more than anything else, sana maging successful ang pelikula dahil talagang maganda at pinaghirapan namin ito."

Official entry sa 2006 Metro Manila Film Festival ang Zsa Zsa Zaturnnah, directed by Joel Lamangan under Regal Entertainment.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN