Ynez Veneracion may Bollywood actor/model suitor daw



After mapabalitang nagkabalikan sila ng kanyang dating boyfriend na si Mon Confiado—na pareho naman nilang idinenay—may bago raw nagpapasaya ngayon sa sexy actress na si Ynez Veneracion.

Ang bagong "cyber suitor" daw ni Ynez ay isang actor/model ng Bollywood. (Ang Bollywood ay ang movie industry ng India.) Kahit long-distance daw ang panliligaw sa kanya ay okey lang sa sexy actress. Ang mahalaga ay panay raw ang communication nila ng suitor niya.

Sa pagtsa-chat daw sa Internet nakilala ni Ynez ang lalaki. Noong una ay hindi raw siya makapaniwala na artista at modelo ito sa India. Baka raw niloloko lang siya. Pero nang magpakita raw ito sa webcam at hinanap niya sa Internet ang pangalan nito, napatunayan niyang nagsasabi pala ito ng totoo.



"His name is Anuuj Saawhney," masayang sabi ni Ynez sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal)sa telepono noong Friday, November 24. "Yan ang name na ibinigay niya at pati yung website niya ay ibinigay niya para maniwala lang ako.

"Tumatawag siya sa akin kapag libre siya," kinikilig na kuwento niya. "May dalawang movies kasi siyang ginagawa sa Bombay ngayon. Gusto nga raw niyang pumunta rito sa Pilipinas, pero hindi siya makaalis. Gusto niyang ako ang pumunta roon [sa India] para panoorin siyang magtrabaho."



Ilang buwan na raw silang nagtatawagan ni Anuuj. Hindi alam ni Ynez kung hanggang saan makakarating ang ganitong klaseng arrangement nila.



"Pareho kasi kaming naguguluhan," sabi ni Ynez. "Pareho kaming hindi puwedeng makaalis sa mga bansa namin dahil sa trabaho. Marami akong mga out-of-town shows at guestings. Ayoko namang basta na lang umalis para lang makipagkita sa kanya. Ako naman ang malalagot, ‘di ba? Same din sa situwasyon niya. Kaya bahala na. Kung siya ang nakatakda sa akin, magkikita at magkikita kami."

May mga nagsasabi na baka gimik na naman ito ni Ynez para mapag-usapan siya. Pero ipinagwawalang-bahala lang ito ng sexy actress.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Naku, e ganyan naman parati, di ba? Sanay na ako," tawa niya. "Bahala silang isipin kung gimik ito o hindi. Sino ba ang mamumroblema, ako ba? Basta ako, masaya ako dahil nandiyan si Anuuj. Kung sabihin nilang nag-iimbento ako, okey lang. Kung doon ba sila happy, eh di suportahan ko pa sila! Turuan ko pa silang mag-imbento kung feel nila!"

Sa ginawang research ng PEP ay mayroon ngang Bollywood actor na ang pangalan ay Anuuj Saawhney, na talagang pangarap ang maging aktor. Nagsimula siya bilang model hanggang sa mapasok siya sa movie industry.

So far, apat na pelikula ang nagawa ni Anuuj—Nayee Padosan, Naina, Chingaari (kung saan katambal niya ang Miss Universe 1994 na si Sushmita Sen), at Tom, Dick and Harry.




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN