Lovi aminadong mas magaling umarte si Yasmien Kurdi



Itinanggi ng young singer-actress na si Lovi ang balitang hindi raw sila nagkakasundo ng co-star niya sa Bakekang na si Yasmien Kurdi. May lumabas kasing balita na nag-iisanaban ang dalawa sa set dahil mas pinupuri ang acting ni Yasmien bilang Charming kesa kay Lovi bilang Kristal. Magkapatid ang role ng dalawang singers-actresses sa GMA-7 primetime drama series.

"That's not true po kasi good friends kami talaga ni Yasmien," nakangiting sabi ni Lovi sa SOP Music Awards last Sunday, November 26, sa Mall of Asia. "Noong time na nagge-guest pa lang ako sa mga TV shows, si Yasmien ang parati kong nakakasama sa dressing room.



"Tapos kapag may shows," patuloy niya, "si Yasmien din ang nakakasama ko, kaya naging friends na kami. Kaya it's not true na hindi kami magkasundo. Si Yasmien pa naman, makuwento siya and I love to listen to her stories."

Tungkol naman sa obserbasyon ng iba na mas magaling umarte si Yasmien kesa sa kanya, hindi raw nababahala si Lovi rito.

"That's not a problem for me kasi totoo naman," pag-amin ng anak ng yumaong Action King of Philippine Movies na si Fernando Poe, Jr. "Yasmien is a very good actress. Mahirap yung role niya as Charming. Mas demanding ang role niya sa Bakekang kaya she deserves all the good reviews.



"Ako naman, I am trying to give my best. Nakakaiyak na nga ako nang maayos, unlike before na nahihirapan ako. Pagiging singer naman talaga ang gusto ko, pero I also like to explore acting. I know na marami pa akong dapat matutunan sa pag-arte and Yasmien is there naman to help me out."

Samantala, proud si Lovi dahil nagwagi siya as Breakthrough Recording (Solo) Artist of the Year sa SOP Music Awards 2006. Ito ang kanyang kauna-unahang award mula nang pasukin niya ang showbiz industry.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN