Zsa Zsa Padilla enrolls daughter in Australia



Malaki na ang itinaba ng singer-actress na si Zsa ZsaPadilla mula nang huli siyang lumabas sa publiko after niyang maoperahan sakidney. Nakapagbakasyon na raw kasi si Zsa Zsa sa Australia kasama ang kanyangmga anak na sina Karylle, Zia, at Nicole. (Karylle is Zsa Zsa's daughter withModesto Tatlonghari, while Zia and Nicole are her daughters with Comedy KingDolphy).



Inasikaso raw ng Divine Diva ang papasukang school sa Australia ni Nicole, naga-graduate na ng high school sa March 2007. Sa Australia na raw mag-aaral ngcollege si Nicole under the Australian Foundation. Nalulungkot nga raw si ZsaZsa dahil mapapalayo ang isa sa mga anak niyang babae.



"Mahirap palang mag-asikaso para sa anak mong sa ibang bansa mag-aaral,"medyo malungkot na sabi ni Zsa Zsa sa panayam sa kanya ng PEP (PhilippineEntertainment Portal) sa press con ng Zsa Zsa Zaturnnah: Ze Moveeh lastMonday, November 27, sa penthouse ng Imperial Palace Suites.

"Kaya nag-bonding kami nang husto noong nandoonkami," sabi ng singer/actress. "Kasi next year, Nicole will leave usna. But I promise her that I will visit her during her school break or kapagmahaba ang bakasyon ko. I am missing her now kahit na nandito pa siya saPilipinas."

Ayon kay Zsa Zsa, kahit ganun daw ang mangyayari ay masayanaman siya para kay Nicole dahil para rin daw sa future ng anak niya ang lahatng ito.

"I want my kids to have a secure future, and even if weas parents can provide them with that, it's better that they be independent aswell. Nandito naman kami ni Dolphy to support them with whatever they mightneed," sabi ng magaling na aktres.

Samantala, hindi raw raw nag-e-expect na manalo ulit ng bestactress award si Zsa Zsa sa Metro Manila Film Festival (MMFF) para sa pelikulaniyang Zsa Zsa Zaturnnah. Last year kasi ay siya ang nag-uwi ng tropeyoas best actress for her performance in Ako Legal Wife.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mas gusto raw ni Zsa Zsa na kumita ang Zsa Zsa Zaturnnah,kung saan kasama niya sina Pops Fernandez at Rustom Padilla, dahil malalakingpelikula ang makakasabay nila sa December 25 opening ng MMFF.



"I want our movie to be a big box-office hit. Para masundan ng bago, diba?" sabi ni Zsa Zsa. "It's going to be a tough fight kasi magagandalahat ng mga entries sa Metro Manila Film Festival.


Dagdag pa niya: "Kung biyayaan ulit ako ng award, who am I to reject it,di ba? Hindi naman ako nag-e-expect na manalo. Kaya I'm not pressured at all.Mas gusto kong kumita ang movie more than anything else kasi malaki ang naginghirap namin sa pagbuo nito."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN