Goma asks support of party list rep from Bulacan



Inamin ni Party List Representative Joel Villanueva na personal siyang pinuntahan at kinausap ng aktor na si Richard Gomez upang hingin ang suporta nito sa plano ng aktor na pagtakbo bilang gobernador ng Bulacan.

Nangyari raw ang pag-uusap sa birthday celebration ni Joel, anak ni Bro. Eddie Villanueva, noong August 2 sa Bocaue, Bulacan, ang hometown ng deputy minority leader representative ng Citizens' Battle Against Corruption.

"He was there and he's asking for my support," pagkumpirma ng 31-year-old politician. "But right now, we're still in the process of talking about it. Siyempre, bago ako magbigay ng suporta, kailangan ko pa ring konsultahin ang buong grupo sa Bulacan."

Pero ayon pa rin sa kanya, may nakikita siyang problema sa planong pagtakbo ni Goma bilang governor ng Bulacan.

"Parang alanganin pa yata siya if he will run in Bulacan or sa ibang posisyon, like Senate," sabi ni Rep. Villanueva. "And if you will ask me, I think it's not doing good on him. Kasi parang lumalabas, pakiramdam ng mga tao, pinagpipilian ni Richard ang Bulacan or Senado."



Dagdag pa niya, nakikita rin niya na ang ibinabatong isyu kay Richard ay ang katotohanang sa loob ng mga nakalipas na taon, hindi nakita ng mga taga-Bulacan na visible si Goma rito. Marami raw sa mga taga-Bulacan ang tila nagugulat na, all these years, kababayan pala nila ang isa sa mga kinikilalang pinakasikat na aktor ng bansa.

Ayon pa kay Rep. Villanueva, marami rin ang humihikayat sa kanya na tumakbo sa posisyon ng pagka-gobernador ng Bulacan, the same position na sinasabing ina-eye ni Goma na takbuhin sa May 2007 elections.

"I think, ‘yung percentage na tumakbo ako for governor ay wala na talaga," sagot naman ng politiko. "I'm more focused to our party list, especially being the president [of the group]."



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN