Rustom Padilla says no to sex change



Sa press con ng Zsa Zsa Zaturnnah: Ze Moveeh last Monday, November 27, sa Imperial Palace Suites, may nagtanong na entertainment reporter sa aktor na si Rustom Padilla ng: "Tutal nandiyan ka na, inamin mo na lahat-lahat at gusto mo rin ng kasarian ng babae, bakit di ka na rin magpapalit? Ipadurog mo na yan!" [The reporter was referring to Rustom's sex organ.]

Matatandaang umamin si Rustom na siya ay isang homosexual nang sumali siya sa Pinoy Big Brother Celebrity Edition early this year.

Nabigla nung una si Rustom sa nakakabigla nga namang tanong sa kanya, pero sinagot niya ito.

"Ang pagiging gay kasi is not a preference, it's an orientation," seryosong sabi ni Rustom. "So, mayroon ngayong iba't ibang klase ng gay at yun ay mga preferences. Doon pumapasok kung ano ang gusto mong maging—Straight acting ka ba? Bisexual ka ba? Transgender ka ba? Transsexual ka ba?



"So ako, as a gay person, parang hindi na nga ako pumunta sa stereotypical," paliwanag niya. "Basta ako, sisikapin kong maging simpleng tao. Yun ang tingin ko sa sarili ko, na nagkataon sigurong bakla.

"Hindi ko kailangan magpa-opera. Well, kanya-kanyang references yan. Mayroon kasi tayong kanya-kanyang paniniwala."

Samantala, sinabi ni Rustom na hindi pa raw niya nakikita ang kanyang dating asawang si Carmina Villarroel magmula nang mag-"come out" siya. Kahit daw sa text messaging ay wala silang communication dahil hindi nila alam ang number ng isa't isa.

Ang mga reporter nga naman, kung anu-ano ang tinatanong!


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN