Pops Fernandez relegated to contravida rol


This is the first time the Concert Queen plays a villain.


Concert Queen Pops Fernandez portrays the main villain, Queen Femina, in the action-adventure film Zsa Zsa Zaturnnah: Ze Moveeh with Divine Diva Zsa Zsa Padilla as the title superhero character.

Sa presscon ng nasabing pelikula last Monday, November 27, sa Imperial Palace Suites ay tinanong si Pops kung talagang hanggang pang-kontrabida na lang ang magiging roles niya sa pelikula—just like her role in Zsa Zsa Zaturnnah.



"It also depends on the character that I will play kasi," sagot ni Pops. "Sa totoo lang, first time ko to play kontrabida kasi never pa akong nagkontrabida in my movies before."



Sabi pa niya, "Siguro kapag may edge yung role, why not? I'm open naman to play different characters. Yung mapansin na ang performance ko is pretty rewarding already. Let's see kung may maganda akong roles as a kontrabida na makuha after Zsa Zsa Zaturnnah.

"Sa movie kasi, si Queen Femina, hindi mo alam kung ano ba ang gusto niya. Kung gusto ba niyang rumampa na lang sa costume niya o talbugan si Zsa Zsa Zaturnnah o ang maging evil leader siya. It's a mixture of so many personalities kaya nakaka-excite gawin ang role na ito."



She adds, "I want naman people to watch me na magkontrabida in a funny way. Nakakatawa kasi ang mga eksena namin lahat dito sa movie, plus the fact na maganda ang special effects. So doing Queen Femina is exciting. Hindi mo kasi seseryosohin ang pagiging villainess niya sa movie."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN