Giselle Sanchez wants to have another baby in 2008


Si Giselle sa Zsa Zsa Zaturnnah! Gusto nang bigyan ng kapatid ang anak na si Gisela.


Gusto nang sundan ng comedienne na si Giselle Sanchez ang kanyang panganay na si Gisela na nag-three years old this year. Kaso nga lang, fully-booked na raw si Giselle hanggang middle of 2007, kaya sa 2008 na lang daw sila bubuo ulit ng kanyang husband na si Emil Buencamino.

"Gusto na kasi ni Emil na magkaroon kami ng anak na lalake," sabi ni Giselle sa panayam ng PEP sa press con ng Zsa Zsa Zaturnnah: Ze Moveeh last Monday, November 27, sa Imperial Palace Suites. "Okey naman sa akin, pero ang naging problema is sunud-sunod ang naging trabaho ko sa 2007. So, paano pa ako mabubuntis niyan kung busy, di ba?"



Patuloy niya, "Ngayon pa nga lang papasok ang December, sunud-sunod na ang corporate shows na ihu-host ko. Tapos may mga out-of-country shows din. Kaya bago mag-Pasko, stressed out na ako. Hindi na ako mabubuntis kapag ganyan.

"But Emil is okay with it. Alam niyang hindi maiiwasan ang pagpasok ng trabaho. It's for the future din daw ng kids namin. Kaya wait ulit kami for the baby in 2008 na."



Ayon pa kay Giselle, okay rin sa kanya kung sakaling mabuntis siya earlier than they planned.

"Kung sakali ngang magkagano'n, wala naman tayong choice kundi ang ituloy, di ba?" sabi niya. "Ang mga babies naman, angels yan sa buhay natin kaya we shouldn't take them for granted. If I do get pregnant next year, I will be very happy."



Tawa niya, "Kaya ko namang rumaket kahit buntis ako! Doon nga sa panganay ko, kabuwanan ko na, e rumaraket pa ako sa probinsya! Kaya hindi magiging hadlang sa akin ang lumaki man ang tiyan ko."

Samantala, ibinalita rin ni Giselle na tinanggihan niya ang alok na maging councilor sa Pasig City. Wala naman daw kasi siyang hilig sa politics at malaking gastos lang daw yun.

"Puwede naman akong mag-serve sa mga taga-Pasig City by helping endorse their candidates sa mga miting de avance nila," nakangiting sabi ng matalino at grasyosang aktres.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Kasama si Giselle sa Metro Manila Film Festival Philippines official entry na ZsaZsa Zaturnnah: Ze Movee. She plays one of the amazonistas of Queen Femina Suarestellar Baroux (Pops Fernandez).


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN