Cristine Reyes backs out of 'Asian Treasure'



Nag-pictorial ang cast ng Asian Treasure—ang adventure-drama series ng GMA-7 na pinangungunahan nina Robin Padilla, Angel Locsin, Marvin Agustin, and Diana Zubiri, among others—kaninang umaga, December 1, sa Mariwasa compound sa Pasig City.

Originally ay kasama sa cast ng Asian Treasure ang young actress na si Cristine Reyes. Sa katunayan ay um-attend pa nga ang young actress sa story conference ng serye ngunit hindi siya sumipot sa pictorial kanina.

Ayon sa isang insider mula sa produksiyon ng Asian Treasure, nag-backout si Cristine noong nakaraang linggo. Pupunta raw ang young actress sa Europe kasama ang kanyang half-sister na si Ara Mina at magkaka-conflict daw ito sa taping ng Asian Treasure.

Pero may ibang version na kumakalat sa pagba-backout ni Cristine. Diumano, may offer ang ABS-CBN, ang rival network ng GMA-7, sa young actress. Most likely raw ay tanggapin nito ang offer at tuluyang lumipat na sa Kapamilya network once matapos ang kontrata niya sa Artists Center ng GMA-7.

Dahil sumipot nga siya noon sa story conference ng Asian Treasure ay walang naghinala na hindi matutuloy ang participation niya sa bagong show ng Kapuso network na nakatakdang ipalabas early next year.

Si Margaret Wilson ang kinuhang kapalit ni Cristine sa role bilang kaibigan ni Angel Locsin sa Asian Treasure.

Si Cristine ay produkto ng first batch ng reality artista search ng GMA-7 na StarStruck, kung saan din nagsimula ang kapanabayan niyang si Katrina Halili. Posibleng ang pagbibigay ng mas maraming projects kay Katrina ang isa sa mga dahilan ng napipintong paglipat ni Cristine sa Dos.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN