Sandara Park itinangging nandidiri siya kay Joross Gamboa



Nilinaw ng Korean young actress na si Sandara Park ang lumabas na balita na nandidiri raw siya sa young actor na si Joross Gamboa at hinding-hindi raw siya magpapahalik dito kahit sa pelikula.

Diumano, sinabi yun ni Sandara bilang ganti sa kissing scene ng boyfriend niyang si Joseph Bitangcol at Roxanne Guinoo, ex-girlfriend naman ni Joross, na naganap sa Shake , Rattle & Roll 8.

"Hindi totoo yun," pagtanggi ni Sandara. Ito ay naganap sa panayam sa kanya ng PEP sa press con ng November birthday celebrants ng Star Magic kahapon, November 30, sa 9501 ng ABS-CBN. "Kung may kissing scene kasi kami [ni Joross], hindi matutuloy yun kasi tatawa lang kami nang tatawa. Parang comedy palagi kapag kami ni Joross ang magkasama."

Nang mga sandaling yun ay katabi ni Sandara si Joross kaya nagbigay rin ito ng kanyang pahayag: "Hindi ba ninyo napansin, hindi kami nagbeso-beso ni Sandy nang magkita kami ngayon? Hindi kasi kami talaga nagbebeso, appear lang ang batian namin. Minsan, nagbeso kami at pareho pa kaming nagsabi ng ‘Bakit tayo nagbebeso?'"

Kuwento pa ni Joross, "Kami po kasi ni Sandy [palayaw ni Sandara] ang unang naging magka-vibes sa Star Circle Quest noon. Wala pa sina Joseph at Roxanne sa buhay namin."

Sadyang close lang daw sina Sandara at Joross. Nang umuwi nga raw sa Korea ang young actress, si Joross ang laging tumatawag at nangungumusta sa kanya, lalo na noong time na hindi na maganda ang relasyon nina Sandara at ang ka-love team niya noon na si Hero Angeles.

Sandara and Joross both turned 22 years old last month.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN