Vic Sotto posibleng pakasalan si Pia Guanio



Matutuwa si Pia Guanio kapag nalaman nito ang mga ipinahayag ng kanyang boyfriend na si Vic Sotto. Nagkaroon ng press con ang Enteng Kabisote 3: The Legend Goes On and On and On ng MZet Films at OctoArts Films kanina, December 1, sa Virgin Cafe, Morato Avenue, Quezon City. Dito ay pinagkaguluhan kaagad si Vic ng mga reporter.



Ang relasyon nila ni Pia ang unang itinanong sa kanya.



Sinabi ni Vic sa mga reporter na hindi pa sila puwedeng magpakasal ni Pia sa susunod na taon dahil ikakasal sa 2007 ang kanyang anak na si Danica Sotto sa basketball player-boyfriend nito na si Marc Pingris.



Sa tanong kung bakit guwapong-guwapo siya sa poster ng Enteng Kabisote 3, "In love e!" ang mabilis na sagot ng superstar comedian.



Naniniwala ang entertainment press na posibleng si Pia na nga ang babaeng pakakasalan ni Vic dahil ngayon lamang nila nakita na naging open ang aktor sa pagkukuwento tungkol sa kanyang lovelife. (Parang Tom Cruise! Unang nagpakita ng pagka-in love nung sila na ni Katie Holmes; siya'y naglulundag sa couch sa set ng Oprah, natatandaan niyo? Ayun, kakakakasal lang nila sa isang palasyo sa Italia.)



Nabanggit din ni Vic na may posibilidad na gumawa siya ng pelikula sa susunod na taon at si Pia ang kanyang magiging kapareha. May special participation si Pia sa Enteng Kabisote 3 bilang ex-girlfriend ni Enteng.

Ang Enteng Kabisote 3 ay official entry sa 2006 Metro Manila Film Festival. Magkasama rin sina Vic at Pia sa Eat Bulaga! ng TAPE Inc. at GMA-7 tuwing tanghali Lunes hanggang Sabado.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN