Polo Ravales reacts to 'billboard' comment of Borgy Manotoc



Sa interview ng model-TV host na si Borgy Manotoc sa radio show ni DJ Mo Twister sa dwTM na Good Times last Wednesday, November 29, ay sinabi nitong isa sa worst billboards para sa kanya ay ang Folded and Hung billboard ng sexy actor na si Polo Ravales.



Ang statement ni Borgy ay kaugnay sa kontrobersyal at mainit na "Forbidden Questions" ng programa. Ito ang portion ng show kung saan maselan at kung minsa'y nakakasakit na mga sagot ang inaasahang ibigay ng mga guests sa tanong ni DJ Mo Twister. Mga nauna nang guests dito ay sina Lolit Solis at Troy Montero, na parehong nag-generate ng malalaki at maliliit na reaksiyon mula sa mga kapwa celebrity.

Kasama rin sa "inokray" ni Borgy bilang worst billboards ay ang Bench Underwear billboards na may malalaking disco balls.



Hiningan ng reaksiyon ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Polo tungkol sa komentong ito ni Borgy sa Super Noypi press con ng Regal Entertainment noong December 1 sa Imperial Palace Suites.



"Hindi ko alam kung gumagawa siya [Borgy] ng ingay sa showbiz o ano," diretsong sabi ni Polo, na alaga ng talent manager/director/supervising producer na si Manny Valera. "Siguro, kung opinyon niya yon, okey lang. Pero sa maraming mga tao na nagsabi rin ng kanilang opinyon, nagustuhan nila ang billboard ko."



Diin pa niya, "Sa ilang mga tao na naringgan ko ng mga magagandang feedback, like sina Tim Yap sa text at marami pang iba, siya lang—bukod-tanging siya lang—ang kakaiba ang opinyon."



Ayon sa aktor ay nakikita niya paminsan-minsan si Borgy---na anak ni Congresswoman Imee Marcos at former PBA coach Tommy Manotoc, at apo ni Imelda Romualdez Marcos at yumaong President Ferdinand Marcos. Pero hindi raw sila magkakilala nito.



"Nakikita ko lang siya minsan sa mga bar, pero hindi kami magkakilala. Hindi pa kami introduced sa isa't isa," sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Nang tanungin si Polo kung sa tingin niya ay mayabang si Borgy, ito ang naging sagot niya: "In a way. Well, hindi naman sa mayabang. Sabi ko nga, opinyon niya yun at dapat nating respetuhin... Hindi naman sa mayabang, weird lang!



"Kasi, yung mga tao na nasa fashion and modeling industry ang nakaka-appreciate ng ginawa kong yon sa billboard. Yung mga fashion designers, professional stylists, silang lahat ay nagagandahan sa billboard ko. Siya lang ang kakaiba."



Ayon pa rin kay Polo, si Marlon Rivera ang siyang fashion stylist ng naturang F&H billboard. Isa raw ito sa mga owner ng high-end beauty salon na Propaganda at nagpapa-workshop sa fashion.



"Sino ba ang dapat na paniwalaan, yung mga respetadong tao sa fashion o siya?" sundot na hirit ng boyfriend ng sexy actress na si Ara Mina.

Dagdag pa niya, hindi siya apektado at all sa pahayag na yun ni Borgy on air.



Ano naman kaya ang masasabi ni Polo sa billboard ni Borgy, na image model naman ng Blue Soda?



"Yung isang billboard niya, para kasing yon ang concept din ng isa kong picture na kuha sa Icon magazine," prangkang sagot ni Polo. "E naunang lumabas yung Icon ko kesa sa billboard niya. Ayokong magkaroon ng away sa showbiz, pero siguro nga, nagkataon lang din yon."



"Abangan na lang ninyo ‘yung susunod kong billboard which will be up on Wednesday (December 6)," pagbabalita pa ni Polo. "Mas class ‘yon, mas sosyal, at mas sexy."

Wala ba siyang balak komprontahin o tawagan si Borgy sa naging pahayag ng huli?



"Sabi ko nga, kung yun ang dating sa kanya ng billboard ko, okey lang sa akin yon. Walang hassle dun!" sabi ni Polo.



Bilang huling pananalita, dagdag ng model-actor, "Pero isa lang ang masasabi ko, masaya ako dahil magmula nang ikabit yung billboards ko sa EDSA, marami na ang pumuri!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN