Jennylyn Mercado denies sex video with Mark Herras



Halatang pinipigilan lang ni Jennylyn Mercado ang mapikon sa isyung may kumakalat silang sex video ng ex-boyfriend niyang si Mark Herras. Ito ang naobserbahan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa press con ng pelikulang Super Noypi kahapon, December 1, sa condo-hotel ni Lily Monteverde na Imperial Palace Suites.



Ayon kasi sa balita, kalat na raw sa mga cell phones at maging sa Internet ang diumano'y nude photos ni Jennylyn, pati na ang sex video nu'ng mag-on pa sila ni Mark.



Kung si Mark ay aminadong napipikon na sa nasabing issue, si Jennylyn naman ay cool lang at naghahamon na ipakita sa kanya ang nasabing sex video scandal nila ni Mark.



"Gusto kong mapanood yan," sabi ni Jennylyn. "Curious ako and I'm sure, curious din si Mark. Gusto ko ngang makita e. So sana lang, mai-produce nila---kung sino man ang nagkakalat no'n."



Nang hingan ng komento ang young actress sa alegasyong ang nagpakalat nito ay taga-ABS-CBN, kakumpitensiyang istasyon ng GMA-7 na home studio nina Jennylyn at Mark, minabuti niyang huwag na magsalita tungkol dito.



"Ayoko na lang mag-comment tungkol diyan," pakiusap pa ni Jen. "Siguro nga, may mga taong hindi nakukuntento hangga't hindi sila makapanira ng ibang tao. Basta ako, wala akong ginagawang masama. Wala kaming ginagawang masama ni Mark."



Dagdag pa niya: "Ayokong gumawa ng kasalanan para sa sarili ko. Ayokong gumawa ng kasalanan na ikakasira ng pagkatao ko."



Idinagdag pa ni Jennylyn na hiyang-hiya siya sa GMA-7 management dahil sa mga ganitong malisyosong tsismis sa kanila ng dating boyfriend na si Mark.



"Nakakahiya talaga sa GMA," seryosong sabi ng young actress. "Basta ako, sa sarili ko, malinis ang konsensiya ko dahil hindi totoo yun!



"Baka mamaya niyan, ang sumunod nang intriga e may sex video na rin kami ni John Prats [co-star niya sa Super Noypi] o kung sino pa man ang maisip nila!" pagbibiro ng young actress.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Siguro, may mga tao lang talagang walang magawa sa buhay nila. Please lang, sana lang ay tigilan na nila, kasi hindi na healthy ito," pakiusap niyang muli.



"Hindi naman sa apektado ako. Kung hindi naman totoo ay talagang hindi ako maaapektuhan. Tigilan lang sana nila ang paninira nang walang basehan!" bulalas ng StarStruck 1 female ultimate survivor.



Samantala, tigas pa rin si Jen sa pagtangging sila na nga ni Patrick Garcia, kahit halos "ibuking" na ito ni Bianca King (dating girlfriend ni Patrick) sa kanyang interviews.



"Wala naman po akong aaminin dahil talagang friends lang kami ni Patrick," diretso niyang pahayag.



Hindi kaya ang dahilan ng hindi niya pag-amin ay dahil pinoprotektahan niya ang loveteam nila ni Mark?



"Hindi po dahil doon," pagtanggi niya. "Talagang magkaibigan lang kami ni Patrick. Kung ano man ang nababalitaan nila, sana sa akin sila maniwala. Ayokong sirain ang tiwala sa akin ng GMA and sa loveteam namin ni Mark."

Magkasama sina Jennylyn at Mark sa Super Noypi, isa sa official entries ng Regal Entertainment sa 2006 Metro Manila Film Festival


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN