Mark Herras stops courting Nicole Anderson


Si Nicole, na through text na lang daw nakikipag-usap kay Mark


Itinanggi ng young actor na si Mark Herras na si Nicole Anderson ang ipinalit niya sa kanyang ex-girlfriend na si Jennylyn Mercado.

"Hindi naging kami ni Nicole. Pero totoong nanligaw ako, pero inihinto ko," diin ni Mark sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa press con ng Super Noypi last Friday, November 24, sa Imperial Palace Suites. "Pero friends pa rin kaming naghiwalay. Kapag may time, nagkukumustahan kami through text."

Dagdag pa niya: "Inihinto ko ang panliligaw ko kasi very busy rin ako sa trabaho at priority naman niya ang studies niya. Pagkatapos nga raw ng studies niya, pupunta raw siya ng States para doon magtrabaho."

Nang tanungin si Mark kung bakit kailangan na niyang ihinto ang panliligaw kay Nicole—na anak ng beauty queen-turned actress na si Jean Saburit—samantalang hindi pa naman ito tapos ng pag-aaral at nag-aartista pa ito ay nagtapat na ang young actor.



"Hindi ko kasi kayang sumabay sa lifestyle niya," sabi ni Mark tungkol kay Nicole. "Mas mahirap naman kung siya ang sasabay sa lifestyle ko."

Paglilinaw ni Mark, "Hindi ito factor ng mahirap at mayaman. Pero iba kasi ang dating niya, hindi kami puwede. Ako kasi, hanggang pang-Rainier Castillo lang ako puwede. Ibig kong sabihin, ganon lang ang lifestyle namin ng best friend kong si Rainier."

Ayon pa kay Mark: "Kinausap ko siya three weeks ago. Curious akong malaman kung puwedeng maging kami, pero na-realize ko na baka papunta lang kami sa wala. Baka kung magtagal at maging kami, pareho lang kaming masaktan dahil hindi talaga kami bagay."

Samantala, hindi raw nakikialam ang young actor sa alitan na namamagitan kina Jennylyn at Ryza Cenon. Si Jennylyn ay ex-girlfriend ni Mark samantalang na-link naman noon sa kanya si Ryza.



"Ayaw kong makialam," iwas niya. "Palagay ko, girls talk yun. Wish ko lang ay magkaayos na sila dahil magkakasama naman kami sa trabaho."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Iniuugnay rin kay Mark ngayon ang isa sa girl hosts ng Wowowee na si Janelle Jamer. Itinanggi ng young actor na may namamagitan sa kanila ni Janelle.


"Best friend at family friend namin si Janelle," paliwanag niya. "Naging mabuti kaming magkaibigan ni Janelle noong ginagawa pa namin ang Forever In My Heart. Kami pa noon ni Jen [palayaw ni Jennylyn] at hindi siya yung pagseselosan ni Jen." (Ang Forever In My Heart ay ang dating GMA-7 drama series na pinagbidahan nina Regine Velasquez, Richard Gomez, at Ariel Rivera.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN