Lorna Tolentino is yet to forgive Rosanna Roces



"Bakit ko siya patatawarin, hindi naman siya humihingi ng tawad?"



Ito ang sagot ng aktres na si Lorna Tolentino sa tanong na pinatawad na ba niya si Rosanna Roces. Napabalitang naging karelasyon ng kanyang asawang si Rudy Fernandez si Rosanna noong sila ay magkasama sa Da Boy en Da Girl, isang dating sitcom ng GMA-7.

Ayaw na sanang sagutin ni Lorna ang isyu, pero ito ang itinanong ng mga reporter na dumalo kagabi, December 3, sa presscon ng Mano Po 5: Gua Ay Di na ginanap sa Imperial Palace Suites, T. Morato Avenue, Quezon City.



Para kay Lorna, the past is past. Hindi raw siya nagtatanim ng galit. Sa kanyang sariling salita, "Basta ang akin ay nasa akin" The star was clearly referring to her husband Rudy, who lives with her and their two sons in their White Plains home.



Muling naungkat ang Lorna-Rudy-Rosanna story dahil sa binitiwang salita ni Lorna noong Sabado, December 2, sa Startalk, kung saan isa sa hosts ang multi-awarded actress.



Sinabi ni Lorna na mas gugustuhin niya na maging "always a lady than always the other woman."



Ipinaliwanag ni LT na nagsalita siya nang ganoon bilang sagot sa sinabi ng kanyang manager na si Lolit Solis, na co-host din sa Startalk, na naaagawan sila ni Lani Mercado ng asawa dahil "nagpapaka-lady" sila. Pareho kasing nabalita na nagkaroon ng relasyon sa ibang babae ang mga asawa nina Lorna at Lani na sina Rudy at Bong Revilla, Jr., respectively.

Samantala, kasama si Lorna sa pelikulang Mano Po 5 na official entry sa 2006 Metro Manila Film Festival. Ginagampanan niya ang role ng mother ni Angel Locsin.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN