Rhian Ramos not yet ready for sexy pictorials


The 16-year old actress says that aside from her body, people should see her personality as well


Kung ang ilang young stars ay game at palaban sa pagpo-pose ng sexy sa men's magazines, taliwas naman dito ang young actress na si Rhian Ramos. Ayon sa leading lady ni Richard Gutierrez sa Captain Barbell, wala pa sa isip niya ang mga ganitong bagay.

Mistula kasing nagpapatalbugan sa pagpo-pose ng sexy ang female young stars ngayon, tulad nina Katrina Halili, Angelica Panganiban, Camille Prats, Iwa Moto, Pauleen Luna, at iba pa. Pero sa ngayon daw ay hindi pa ma-imagine ni Rhian na gagaya siya sa mga nabanggit na young actresses dahil 16 pa lamang siya.

Ganunpaman, sinabi ni Rhian na hindi niya isinasara ang kanyang pinto kung saka-sakali sa sexy pictorials.

"Right now, I don't think I'm really interested," sabi ni Rhian nang kapanayamin siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa press launch ng Bobson sa Ratsky, Tomas Morato, last November 28. "But I don't like closing my doors on ideas and I don't wanna rush myself naman. Pero maybe in two years, I might change my mind, I don't know."

Dagdag pa ng pinakabagong Bobson celebrity endorser, "Para sa akin, I think there's more to me than my body. I think I have personality, so I can depend on that first."

Nilinaw rin ni Rhian na hindi niya sinasabing degrading para sa sinumang young stars ang magpa-sexy, lalo't kung artistic at in good taste naman daw ang pagkakagawa nito.

"It's up to them [young stars] naman e, it's their choice," seryosong sabi niya. "I don't think it's degrading because if it's done with class, then I think it's beautiful. Pero sometimes it can be like parang pa-sexy dahil kailangan.

"I think it's up to them how they wanted to come out, if they pose with class, if they project with class. Then it will come out that way. Pero if they were just thinking na parang you know, lust, lust, lust, then it will come out in a bad way. So that might be degrading, I think. If you don't do it right, then it might be."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Patuloy niya, "If ever I might say yes to it, it has to be done with class. I think you can be sexy without taking your clothes off. I think you can be sexy fully dressed. I think you can be sexy in a shirt and jeans if you want."

Samantala, sa ngayon daw ay hindi interesado si Rhian sa mga lalaki. Sa katunayan nga raw ay hindi pa siya nagkaka-boyfriend.

"Ayoko muna," natatawa niyang sabi. "Kasi unang-una, bata pa ako e. I'm not sure If I'm emotionally mature enough to have a serious relationship right now. Secondly, kakapasok ko pa lang sa showbiz, so sobrang busy ako ngayon and hindi rin siguro fair kung magka-boyfriend ako dahil wala kaming time. Wala nga akong crush e."

Dagdag nito, "Actually, ang pinaka-interest ko ngayon ay work. Para nga akong kabayong naka-blinders na hindi ako tumitingin sa iba. Trabaho lang talaga ang focus ko ngayon."

Si Rhian ay nagsimula bilang print and commercial model bago siya nadiskubre sa television. She auditioned for the role of Lea, love interest ni Teng (Richard Gutierrez), sa GMA-7 primetime show na Captain Barbell, na eventually nga ay nakuha niya.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN