Polo Ravales lends his 'body' for Ara Mina's concert poster



Nakatakdang mag-concert si Ara Mina next year sa Araneta Coliseum. Kaugnay nito ay nag-pictorial si Ara at ang boyfriend nitong si Polo Ravales para sa poster ng concert.

Hindi raw magge-guest ang sexy actor sa mismong concert. Ang hubad na katawan lang daw nito ang makikita sa poster, hindi ang kanyang mukha.

Pinasinungalingan din ng sexy actor ang balitang computer-enhanced lamang ang kuha niya sa billboard ng Folded & Hung. Para patunayang hindi ‘yun niretoke ay ipinakita niya sa press ang kanyang six-pack abs.



"Hindi totoong computer-generated ang litrato ko sa billboard. Pinaghirapan kong makuha ang abs na ito," nakangiting sabi ni Polo sa press con ng Super Noypi, noong December 1 sa Imperial Palace Suites.

Naging isyu kasi ang billboard ni Polo para sa Folded & Hung dahil tinawag itong "worst billboard" ng model-TV host na si Borgy Manotoc sa radio show ni DJ Mo Twister.

Ayon kay Polo ay hindi siya apektado sa sinabi ni Borgy dahil mas marami raw ang nagkakagusto ng kanyang billboard.

Samantala, wala pa raw naiisip na regalo si Polo para kay Ara sa Pasko. Pero definitely magkasama raw sila sa Pasko, pero hindi pa sila sigurado kung saan sila pupunta—kung sa bahay ba ni Polo o sa bahay ni Ara.

Napapadalas ang pag-alis ng bansa ni Ara para mag-show abroad. Marami tuloy ang nagsasabi na posibleng masira ang relasyon nina Polo at Ara dahil dito.



"Puwedeng makasira ‘yon, pero dapat may constant communication lang kayo," paliwanag ni Polo. ‘Pag nagkatampuhan kayo, dapat pag-usapan ninyo agad. At dapat ‘pag ganoon, may tiwala kayo sa isa't isa."

Kasama si Polo sa cast ng Super Noypi, na official entry sa 2006 Metro Manila Film Festival.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN