Richard Gutierrez will never guest in Mo Twister's radio show



"No!" ang walang kagatol-gatol na sagot ng young actor na si Richard Gutierrez sa tanong kung papayag siyang mag-guest sa controversial radio program ni DJ Mo Twister na Good Times sa dwTM.

"You have nothing to gain and everything to lose," sabi pa ng young actor sa press con ng Mano Po 5: Gua Ay Di kahapon, December 3, sa Imperial Palace Suites.

Sa nasabing radio show kasi ni DJ Mo nagsisimula ang ilan sa mga recent away ng ilang celebrities. Sa "Forbidden Questions" portion ng Good Times ay kailangang sagutin ng guest celebrities ang ilang maseselang katanungan na minsan ay pinagmumulan ng kontrobersiya.

Nag-guest na rito sina Troy Montero, Jay-R, KC Montero, Lolit Solis, at ang pinakahuli nga ay si Borgy Manotoc.

SINA JAY-R AT KC MONTERO. Sa guesting nina Jay-R at KC ay nabanggit nila ang pangalan ng kakambal ni Richard, na si Raymond Gutierrez, bilang sagot sa tanong ng kung sino sa tingin nila ang gay sa showbiz.

Dahil dito ay nagkaroon ng gap sina Jay-R at KC at ang Gutierrez twins. Magkakasama ang apat sa SOP. Pagkatapos ng nasabing insidente ay nanlamig nang kaunti ang kanilang samahan at hanggang ngayon, bagamat civilized sila sa show, ay hindi pa rin sila gaanong nag-uusap pag break.

SI TROY MONTERO. Sa guesting naman ni Troy Montero ay nabanggit nito ang pangalan ni German Moreno sa parehong tanong: Who do you think is gay in showbiz? Umalma si Kuya Germs, na nagsabing walang patutunguhan ang pakikipag-away ni DJ Mo Twister sa mga kasamahan niya sa industriya dahil maliit lang ang mundo nila. Nakitang naga-apologize si Troy sa TV matapos ng insidente.

Nitong huli, pumunta na si DJ Mo sa radio booth ni Kuya Germs upang humingi ng tawad. Kaya lang, nang nagpaliwanag na ito ng side niya, ang idiniin pa rin niya ay ang guest. Sabi niya, siya naman daw ay nagtatanong lang at wala siyang kontrol sa sagot ng guest.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

SI BORGY MANOTOC. Pagdating naman kay Borgy Manotoc, nabanggit nito ang pangalan ni Vina Morales sa tanong tungkol sa mga nakatalik na niya sa showbiz. Nag-deny agad si Vina at humingi ito ng apology ke Borgy dahil sa "ungentlemanly" behavior ng anak ni Kongresista Imee Marcos at apo ni former First Lady Imelda Marcos.

Nasagasaan din ni Borgy si Pinoy Big Brother graduate Sam Milby sa tanong ng kung sino sa tingin niya ang gay sa showbiz. Bagamat hindi niya pinuruhan ang iba ng tulad ng pagkakasagasa niya kay Sam, sinagasaan pa rin ni Borgy sina singer Lance Raymundo at actor Piolo Pascual nang magdagdag ito ng sagot sa katanungan pa ring iyon.

Kay Lolit Solis, marami ring nasagasaan, ngunit at press time wala pang umaalma sa mga ito in public. Marahil ay dahil si Nay Lolit ay beterana sa showbiz, isang malaking talent manager, at host ng No. 1 showbiz talk show na StarTalk.

May katinuan nga yata ang basa ni Richard Gutierrez that he has "everything to lose and nothing to gain" pag nag-guest siya. Siya nga naman ay, di hamak, milya-milya ang popularity ke DJ Mo, kaya pag lumabas siya sa programa, papasikatin niya ang disc jockey with the American accent pero wala namang mawawala sa kasikatan niya as a matinee idol pag di siya lumabas duon.

At pag naroon na siya sa programa, magmumukha siyang chicken kundi niya sagutin ang "Forbidden Questions" ng disc jockey. Mapapaaway naman siya sa ilang tiga-industriya kapag sinagot niya ang mga tanong nang walang sinasanto. Kapag nagkaroon ng away, angat na naman si DJ Mo, dahil mapag-uusapan ng show nito, habang masisira ang image ni Richard na good boy. Lose-lose situation nga naman para ke Richard.

Aside from SOP, napapanood din regularly si Richard sa GMA-7 shows na Captain Barbell at NUTS Entertainment.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN