Angel Locsin admits letting Oyo Boy sleep in her condo unit


Angel trusts her boyfriend Oyo Boy Sotto enough to let him sleep with her in her condo unit.


Kinumpirma ng young actress na si Angel Locsin na totoong nakikitulog paminsan-minsan sa condo unit niya ang kanyang boyfriend na si Oyo Boy Sotto. Inilahad ito ni Angel sa grand press con ng Mano Po 5: Gua Ay Di sa Imperial Palace kagabi, December 2.



"Hindi naman namin idine-deny ‘yon. Kunwari, ako puyat, siya [Oyo Boy] puyat, tapos ihahatid niya ako sa bahay. Kung papauwiin ko siya, mababangga lang siya sa sobrang puyat. Hindi naman yung kasama niya ang nagda-drive kundi siya," paliwanag ni Angel sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).



"Minsan, nagwa-one room kami, pero may tiwala naman kami sa isa't isa. Christian kami pareho at naniniwala kaming sacred ang body namin. Walang mali-malisyang nangyayari. Hindi ako nagmamalinis, pero wala naman kaming ginagawang masama," dagdag pa niya.



Ang isa pa sa inamin ni Angel ay ang pagkailang nila ni Richard Gutierrez sa isa't isa sa kissing scene nila sa Mano Po 5.



"Noong umpisa lang... Kasi ang tagal naming hindi nagkasama, medyo may awkward moment lang. Pero habang tumatagal, nawala na," sabi ni Angel.

Samantala, super excited na si Angel na lumipat sa kanyang bagong bahay sa Don Antonio Heights Subdivision sa Quezon City. Under renovation pa raw ang bahay kaya wala pang nakakakita rito kundi ang family pa lang ni Angel.



"Halos walang problema sa bahay," banggit ng young actress. "Yung tiles, galing Italy pa. Yung bintana, galing Australia pa, at yung bubong, galing Japan. So wala akong kaproble-problema talaga. Kaya ko rin siya nabili ay dahil alam kong hindi na sasakit ang ulo ko sa mga repair-repair. Pinag-ingatan talaga ng may-ari."

Ang Mano Po 5 ng Regal Entertainment ay official entry sa 2006 Metro Manila Film Festival. Malapit na ring ipalabas ang bagong show ni Angel sa GMA-7 na Asian Treasures, kung saan katambal niya sa kauna-unahang pagkakataon si Robin Padilla. Matatandaang si Robin ay nagsabing gusto niyang malaman kung gaano ka-athletic itong si Angel, dahil naririnig na niyang paborito nito ang wrestling sa TV at mahilig itong sa sports. Ngayong magkasama na sila sa isang action-romantic series, ano na kaya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN