AJ Dee pursues sexual harassment case


Brothers AJ (left) and Enchong are allegedly both victims of sexual harassment


Tuloy pa rin pala ang pagsasampa ng sexual harassment case ni AJ Dee laban sa dating swimming coach niya noong nasa Ateneo de Naga University pa siya.



Gusto raw kasi ni AJ na maturuan ng leksiyon ang male swimming coach na ito na ilang beses siyang hinipuan noon. Ayon pa sa young actor, pati ang nakababata niyang kapatid na si Enchong Dee, member ng Philippine swimming team na nag-aartista na rin ngayon, ay naging biktima ng naturang coach.



"Mas grabe yung ginawa ng coach na iyon kay Enchong. I think mga 13 or 14 years old pa lang si Enchong noon nang halikan siya ng coach sa lips. Parati raw gano'n. E hindi makapagsumbong si Enchong noon kasi natatakot siya. Nalaman na lang namin noong siya na ang nag-open up," kuwento ni AJ sa press con ng Mano Po 5: Gua Ay Di last Sunday, December 3, sa Imperial Palace Suites.

Inilahad ni AJ ang mga ginawa sa kanya ng swimming coach: "Sa akin kasi, puro pananantsing ang ginagawa. Like before any swimming competition, kailangan minamasahe kami. E kapag magmasahe kasi yung coach na iyon, may malisya. Umaabot sa singit ko ‘yung mga masahe niya, which is hindi naman dapat.



"Ilang beses na nangyari sa akin ‘yon, pero I kept quiet. Kung hindi lang siguro nagreklamo ang mga ibang na-harass ng coach na ‘yon, I wouldn't come out din with what happened to me."



Ngayon ay ipinapasa-Diyos na lang daw ni AJ kung ano ang magiging hatol sa swimming coach na diumano'y nanamantala sa pagkalalake nilang magkapatid.



"I believe na hindi natutulog ang Diyos," sabi ni AJ. "May hustisya pa rin. Kung hindi para sa akin, para lang sana sa kapatid ko. Imagine, ang bata-bata pa ni Enchong pero pinagsamantalahan niya. That's so bad of him and no one should ever trust him."

Bago sumabak sa showbiz si AJ (short for Angel James) ay sumali muna siya sa ilang contests kung saan kadalasan ay nagiging runner-up siya—Mossimo Bikini Summit, Bodyshots, and "TV Idol" of the defunct ABS-CBN noontime show MTB.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kasama si AJ sa Mano Po 5: Gua Ay Di, official entry sa 2006 Metro Manila Film Festival. He plays the brother of Angel Locsin's character.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN